Chapter 3

4.8K 69 3
                                    

This chappie is dedicated to yrreshrose! Hoho! :) Hello there! ;))

[IGNORE]

**CUPCAKE's POV**

Lunes na ngayon. Kahapon wala man masyadong nangyari dahil umalis ako. Namasyal ako kina Mommy.

Maghapon ako doon kaya maghapon ko ding hindi nakita yung pagmumukha ni Coconat.

Andito na ko sa school. Hinihintay ko si bessy. Antagal! Hindi na talaga nagbago yung bruhang 'yun! Habang nakatayo ako malapit sa gate at naghihintay, nakita kong papalapit si George sakin na may malapad na ngiti.

"Uy CC. Inaabangan mo ata boypren mo ah." Pinagsasabi neto? Tinaas taas niya yung kilay niya habang sinasabi yun.

"Oi. Hindi nga sabi ko boypren yun eh! Manahimik ka diyan. Batukan kita eh!"

Nung Friday pa lang kami nagkakilala pero parang ang tagal na naming magkaibigan. Iba talaga tong lalaking to. ^___^

"Ah. So, pwede pala?"

Hanudaw? Ano connect? Gets niyo ba? Kasi ako hindi eh, paki-explain nga, labyu! -__-

"Anong pwede? -.-"

"Pwedeng manligaw? ^___^" The fudge?! Niloloko ba 'ko nito?! Kasi kung oo, sisipain ko na talaga siya sa where-it-hurts-most.

"Kelan ka pa natutong magpatawa? Magclown ka nalang kaya paglaki mo? Pasok na pasok eh. -.-" Konting konti nalang, makakatikim na to ng upper cut ko.

Magaling ata to sa suntukan. Natalo ko na kaya yung kapitbahay namin na lalaki eh. Yung 8 years old. Galing ko noh? Don't be amused, okay lang yan.

"Seryoso nga? Pwede?" Nemen, seriously talaga? Sa Pluto, gusto mo tsong?

"Hindi!" Mariin na sagot ko sabay walk-out. Namumula nako, pramis! Pano ba naman, itanong daw na yun out of the blue.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now