Chapter 26

2.2K 33 16
                                    

[DENY]

**NAT's POV**

Tsk. I can do better than that monkey! Who does he think he is?! He's no good. Aaminin ko, naiinis ako sa nakita ko kaninang surprise ni George pero HINDI AKO NAGSESELOS. Itatak niyo yan sa fossils! -_-

Ge. Tsk. Nakatago ako dito sa likod ng pader papuntang cr saka tinitignan ko silang maglampungan sa gitna ng event center. Hindi ko namalayan naalis na pala ako sa pwesto ko kaya kung lilingon si Candy, makikita niya ako. SHT! She turned around here and almost saw me! -_-

Napausog ako bigla at muntik ko pang matamaan yung basurahan na malapit sa akin. Katangahan naman oh! Bakit ba, in the first place, andito ako?! Bakit ko ba sila sinundan?! Wala na ata ako sa kabaitan ko eh. -_-

'Uy ang gwapo oh!'

'Tara lapitan natin!'

'Picture tayo! Dali!!'

Narinig kong sabi nung mga babaeng malapit sa kinatatayuan ko. Dammit! The next thing I knew was that I'm leaning on the wall with these stupid girls in front of me. Ano ba! Para akong nirarape nito eh!

"Damn! Get off of me!" sigaw ko sa kanila pero hindi pa rin sila nagpaawat. Pinicturan pa rin nila ako kasama sila, ano nga bang tawag dun? Seldie? Serrie? Whatever.

"WOULD YOU, RIGHT NOW, GET A LIFE?!" malakas na sigaw ko sakanila kaya napatigil sila sa ginagawa nila. Nagsitakbuhan sila kung saan saan dahil siguro natakot sa sigaw ko. Ha! They deserved it.

Naiinis ako sa sarili ko dahil parang wala ako sa tamang pagiisip ko. Usually, mapapaalis ko sila agad kahit sa isang sigaw lang eh, kahit sa isang tingin ko lang, aalis sila agad. Baka nabobother lang ako na may mangyayaring masama ulit kay Candy. Tss.

Bumalik nako sa pwesto ko kanina pero hindi ko na sila nakita ulit. Takte oh! Ang hirap kong hinanap sila kanina tapos mawawala lang.. -_-

Hinanap ko na agad sila at baka kung anong gawin ni George kay Candy. Tsk. Ano bang alam ko na nilunod pala ni Holly si Candy? Kung alam ko lang, edi sana iniwan ko si Holly saka tinulungan siya eh.

Ang sabi ni Holly, mauna na daw kami sabi ni Candy dahil trip pa daw niyang magswimming, akala ko totoo eh. Psh. Don't blame me. -_-

Anyway, andito ako sa tapat ng isang fast food ng biglang mahagip ng mata ko sina Candy at George at talaga nga naman oh, kahit sa anong paraan, gagawa at gagawa si George ng move.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now