Chapter 32

1.7K 33 2
                                    

[TRUTH]

**NAT's POV**

Tangina! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko! Andito ako ngayon sa bar ni Ethan, kausap ko si Aries.

"Bakit ba nagpapakalunod ka diyan sa alak? Mahal mo na no captain." Masasapok ko na 'to.

"G*go!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit ba kasi ang denial mo? Torpe mo pa. Eh kung hinahayaan mo na kaya siyang magpaliwanag ngayon? Wala na sanang problema. Happily ever after na. Wala eh, ang tangina mo brad!" Binatukan ko siya ng malakas.

"Aray! Seryosong usapan captain, kelan ka pa naapektuhan kay Candy?" seryosong tanong niya.

"Okay! Fine! I admit it, gusto ko siya pero I don't love her. Good enough?" medyo pasigaw na sabi ko saka ko siya tinignan ng masama.

Hindi ka nga ba love?

Takteng subconscious yan oh!

"Ooooh. Yan na nga ba sinasabi ko e. May nabuong pagmamahalan," pangaasar niya.

Slowly, I turned my head in his direction. "Gusto mong ilibing kita ng buhay?" tanong ko sa mahina pero seryosong tono.

"Chill. Di ka na majoke. Teka lang, pinakinggan mo na ba yung side niya?" tanong niya ulit. Napaisip ako sa sinabi niya.

"No," maikling sagot ko.

"Eh tanga ka pala eh dude! Nakakag*go yang katangahan mo, alam mo yun? Tang*na! Ang bobo mo din eh no?" sunod sundo niyang sigaw habang sinasabunutan yung sarili.

"Isa pang mura mo, itutusok ko 'tong stick na 'to sa mata mo," pananakot ko habang hawak yung stick ng barbeque.

"Sabi ko nga, hindi na," sai niya saka tumahimik saka sumeryoso.

Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin pero hindi pa rin tahimik dahil nga nasa bar kami.

"Anong dapat kong gawin? Tanong ko pagkatapos kong magisip ng malalim.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now