Chapter 40

1.4K 21 10
                                    

[OVER]

[Casey]

Bakit? Paano? Kelan? Anong nangyayari?! Paano sila magkahawig? Imposible! Imposible talaga! Syemay na ito! Gulong gulo na ako! Kung titignan ko 'yung babae, hindi naman niya kamukha si Candy pero kung talagang papakatitigan mo siya, dun mo lang marerealize na magkamukha sila.

Unti unti akong lumapit sa kanila. Maldits hid behind Nat but as I've said before, NO. ONE. CAN. STOP. ME. Kahit lalaki pa 'yan, kahit gang pa 'yan. Nang makalapit na ako sa kanila, maatim kong tinginan si Nat. Mapungay ang kanyang mga mata.

"Get out," mahinahon kong utos sa kanya. Pupungay pungay pa rin ang kanyang mga mata pero mukhang hindi niya narinig 'yung sinabi ko. Ano ba 'yan! Lasing na nga, bingi pa.

"I said get out." I repeated, only this time, louder. Mukhang narinig naman niya kasi napatingin siya sa'kin. Tumaas 'yung dalawang kilay niya sa'kin. May gana pa siyang gumanun ha?

"And why *hik* would I do *hik* that?" paseglay seglay na tanong niya. Kainis! Hinawakan pa niya si Maldits sa bewang. Kapal.

"Well, I'm Casey right? So it's okay naman na iwan mo muna kami kasi best friends kami, right bessy?" Pinandilatan ko ng mata si Maldits. "Misunderstanding lang 'yung kanina," pagdadahilan ko. Pumayag ka please! Nakita ko naman 'yung mukha ni Maldits na parang nagmamakaawa pero hindi ata napansin ni Nat 'yun dahil sa sobrang kalasingan kasi inali niya 'yung hawak niya kay Maldits.

"Okay," sagot niya saka hinalikan sa noo si Maldits. Hala, maldits na pangalan niya nuh?

"No please, Nat," pagmamakaawa ni Maldits sa kanya.

"It's okay Bae. I'll *hik* be outside if you need *hik* me. I think you need *hik* to fix this misunderstanding *hik* between the both of *hik* you."

Napangiti naman ako ng tagumpay sa loob loob ko. Kapal talaga niya. Makapal pa sa concrete at lead. Parang iiyak na si Maldits nung lumakad na palabas si Nat. Humanda ka ngayon sa'kin! Kahit na naman loka loka ako minsan, pagdating sa best friend ko, aaminin ko, overprotective ako. Ako makakalaban ng sinuman na manakit sa pinakamatalik kong kaibigan. Corny but yea, who cares?

Nanag tuluyan ng maklabas si Nat, nagcross arms ako saka tinaas ko 'yung kanang kilay ko. Hindi naman siya makatingin ng diretso sa'kin.

"Magsasalita ka ba o gusto mo pang ipasalvage kita?" I threteaned her. Mukha namang natakot ito dahil naging maalarma 'yung katawan niya.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon