Chapter 31

1.8K 26 2
                                    

[CONFESSION]

**CANDY's POV**

Litsiii! Sasabog na ata yung puso ko sa sobrang kilig. Imagine, kaninang umaga sabay kaming pumasok ni Nat ng school. In-offer niya ako ng lift. Hihi. Landee ko. Pero biro, nakakapanibago yung ugali ni Nat. Bumait siya ng KONTI. :P

"Oi! Anong nginingiti ngiti mo diyan! Bruha ka! Ang tagal din nating hindi nagkita!" sabi ng bestfriend kong abnormal. -.-

"Galit ka na niyan? Iyak kana?" pabirong sabi ko. Lumiit naman yung mga mata niya saka binatukan ako.

"Araay! Oh chill ka lang. Wag kang iiyak. Hahaha," sabi ko saka tumawa. Itsura niya eh.

"Tigilan mo nga ako. Kwento na, dali. In details," demand niya. Bossy eh no? Mana sakin este sa isang kaibigan niya. :P

So ayun, kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari samin ni Nat. IN DETAILS daw. >,< Hehe.

"Yiiiie. Kinikilig ako senyo. Kayo na ba? Official?" excited na tanong niya.

"Gagi, hindi PA." Bigla naman nawala yung ngiti ni Casey ng makita kong nakatingin siya sa likod ko kaya tinignan ko din kung anong meron dun. Guess what? Este who?

George.

Tinignan ko ulit si Casey na nakatingin na sakin and I gave her THE LOOK na para bang nagsasabing ikwento niya sakin lahat. Umiling lang siya kaya naman kumunot yung noo ko.

"Hi ladies," bati ni George kaya naghi-back ako sa kanya. Si Casey naman, nag nod lang saka nagfake ng ngiti. Alam na alam ko kung fake ba yung ngiti niya o hindi. Sa tagal ba namin na magkasama.

"Kumusta kana Boo? Tagal nating di nagkita ah."

"Okay lang. Ikaw ba? Kumusta?

"Eto, pogi pa rin naman. Nadagdagan nga lang,"

"Ang sabihin mo, loko loko ka parin hanggang ngayon. Hahaha,"

Nagkwentuhan kami ni George habang si Casey naman ay patuloy lang na kumakain. Hindi ko naman sinasaya na hindi siya isali sa usapan e. In fact, I'm trying my very best para maisingit siya sa pinaguusapan namin. Kaso siya naman, tango lang ng tango. Anobayan.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now