Chapter 5

4.3K 70 2
                                    

[EAVESDROP]

[Candy]

Nagising ako sa sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Anubayan! Istorbo. Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Kaso... OUCH! Ansakit ng fez ko. Teka, paano nga pala ako napunta sa kwarto ko? Ang naaalala ko, binully ako nung mga pugitang yun tapos tapos nilock nila yung pinto tapos tinawagan ko si Nat pero walang sumagot tapos... wala na. Yun lang naalala ko e. Di bale na nga, tinignan ko yung clock sa bed side table ko. Maaga pa.

Patayo na sana ako nang bigla kong naramdaman yung sakit ng katawan ko. Paksyet naman oh! Pinilit kong tumayo at dumiretso sa cr. Hindi pwedeng hindi ako pumasok ngayon. Malapit pa naman yung exams. Nung nakarating na 'ko sa cr, tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

Chocolate fudge! Anyare sa mukha ko? Ba't may sugat ako dito sa gilid ng labi? Ay oo nga pala, yung mga pugita pala. Siomai! Naghilamos nako ng mukha kahit na ang hapdi dahil sa sugat. Nagtoothbrush na rin ako, saka na nagbihis.

Nagskinny jeans lang ako saka sandong fit na sky blue at cardigan na dark blue tapos nagsandals ako na open. Ni-ponytail ko lang yung buhok then gora sa baba. Pagkababa ko, nadatnan ko si Nat na nakupo sa living room, nanonood nang tv. Napatayo siya nung nakita niya ako.

"How are you?" Aba. Himala, concern oh?

"Okay na," maikli kong sagot at walang emosyon. Naiinis ako sa kanya, sa totoo lang. Di man lang niya sinagot mga tawag ko kahapon. Ang sama niya, grabe. Nabwibwisit ako pag naaalala ko yun.

Wait, bakit siya nandito? Hindi ba siya pumasok? Wag mong sabihing nagaalala talaga siya? Psh, asa naman ako. Pumunta akong kusina para ihanda yung breakfast ko. Bread lang na may palamang nutella. Nagulat ako nang makita ko si Manang Lilia dito sa kusina. Kailan pa siya dumating? Si mommy talaga oh.

"Oh nay Lilia, andito na po pala kayo, kailan pa po kayo dumating? Di man lang po nagpasabi si Mama para nakapaghanda po ako."

"Ay nako Cupcake. Kahapon lang ng tanghali ako dumating. Wag mo na yung alalahanin. Okay na ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Cupcake. Heyt dat neym.

"'Nay naman! Candy ho. Hahaha. Okay naman na po ako. Maayos na po pakiramdam ko." Nagsmile na lang ako sa kanya para kapanipaniwala kahit hindi totoo. Daig ko pa ma trangkaso e.

"Hahaha. Oo na, sige na anak. Kumain kana. Papasok ka na ba?"

"Opo 'nay. Okay na po talaga ako."

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora