Chapter 18

2.6K 25 2
                                    

[SPORTSFEST]

**GEORGE's POV**

"Oi pre, balik na daw, sabi ni Coach," sabi ni Dane.

Andito kami sa school. Laban na namin ngayon. Kasama ko ang buong team papunta sa tent namin.

"Oh, andito na ba lahat?" tanong ni Coach sa malakas na boses.

"Yes Coach!" agad na sagot namin. Nakakatakot kasi si Coach eh. Pag seryoso, seryoso talaga, walang biro biro.Tumango kami at sinimulan na niyang sabihin yung plano namin. Kinakabahan ako. Kailangan kong manalo para manalo ako sa pustahan namin. Opportunity din yun ah. Tss.

"Understood? Go!" Lumabas na kami ng tent namin at dumiresto na kami sa court. As usual, yung mga cheerleaders muna tapos yung nagsasalita na. Wooh!

Nasulyapan ko si Casey na nakaupo sa bleachers at nakatingin sa akin. Nginitian ko lang siya pero hindi niya naibalik yun ng buo. Ngumiti naman siya ngunit hindi abot sa mata niya. Parang malungkot. Huh? I'm completely clueless.

Nagsimula na ang game. Matindi ang kalaban namin. Varsity players din galing sa school rival namin. Ang Scorpions. Tss.

Nabalitaan kong hindi naman daw gaano kagaling yang mga yan pero kung umasta sila parang sila yung pinuno ng bansa. Mga mayayabang. -_-

26-24 ang score. Lamang yung kalaban. Dalwang lang naman. Kaya yan!

"Go Eagles, go Eagles~," cheer nung mga cheerleaders. Patagal ng patagal, painit ng painit ang laban. Ngayon naman lamang kami. Tatlong puntos. 35-32.

3rd quarter. 69-60. Sila yung lamang. Takte! Anong nangayari?! Napalingon ako kay Casey, ngumiti sya ng konti saka ni-clenched niya yung ifsst niya na parang chinicheer ako. Napangiti naman ako dun.

Dahil dun, mas lalo akong ginanahan. Wala man si Boo, andito naman si Casey. Hayst. Ano ba 'tong feeling na 'to? Ang weird.

Sobrang ingay ng mga tao. May nagsisigawan ng i love you, go Eagles, akin ka nalang George, ako pakasalan mo, tsk! Ang ingay oh! =_=

4th quarter na at lamang pa rin sila! Isang puntos nga lang, pero kahit na! Mas lalo kong itinodo yung energy ko. Hindi kami pwedeng matalo ng ganun lang!

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now