Chapter 39

1.4K 22 8
                                    

[SHOCK]

[Candy]

My feet were glued onto the floor and I have no idea what to say or what to react. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman, kung dapat ba akong magalit or what. Hindi rin naman ako umiiyak. Alam ko, napakamanhid ko naman kung ganun.

Pero isa lang talaga ang sigurado ako, masakit. Ang sakit dito oh, sa dibdib. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Parang may tinik na tinarak dun. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit and I hate the feeling. Parang anytime, I'm going to pass out.

"What the hell are you doing?!" I heard George shouted at Nat but he just continued smirking. What is wrong with him?! Hindi ba talaga niya ako mahal?! Joke lang ba talaga lahat ng 'yun?! Letse, ang tanga ko naman.

"Candy? Candy, okay ka lang? Halika, labas muna tayo." Akmang aayain ako ni George palabas pero hindi ako gumalaw. Nakatayo lang ako dun, nakikipagtagisan ng tingin kay Nat.

"You're an asshole, Nat!" I shouted and retreated. Mabilis akong bumaba na halos mangatumba tumba na ako. Wala akong pakialam kahit mahulog ako dito sa hagdan. Pinilit kong makadaan sa mga tao. Nakita pa ako ni bessy at akmang hahabulin ako pero nawala na ako sa paningin niya.

Nang makalabas na ako ng tuluyan, tumakbo ako. Tumakbo lang ako ng mabilis. Hindi alam kung saan pupunta pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, makalayo. Malayong malayo sa kanila. Mga manloloko! They were disgusting. Ang gusto ko lang, makalayo sa zoo-ng iyon. Mga hayop!

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa lugar kung saan kami bumili kanina ni George ng inumin. Kung saan namin nakilala sina Yssa at Yrra. Agad ko silang nahagip na nagseserve sa kambal din na bumibili. Buti pa sila, parang walang problemang dinadala o dinadanas. Para bang ag gaan ng buhay para sa kanila.

Sana ako din. Pero obviously, hanggang pangarap lang ako.

Slowly, I stode down their stall and as soon as they saw me, nawala 'yung ngiti nila bigla at napalitan 'yun ng pagaalala. Dali daling sinerve ni Yssa 'yung guy saka nagpunas ng kamay. Parehas silang lumapit sa'kin na may kunot sa noo.

"What happen ate?" Worry is oblivious in Yrra's voice. Napaiyak nalang ako bigla. Ngayon pa lang ako umiyak ngayong araw na 'to. Ngayon lang kasi nagsink-in 'yung ginawa ni Nat sa'kin.

Pinatuloy nila ako sa loob ng maliit munti nilang bahay (sa likod nung maliit nilang paninda) saka ako pinaupo sa sofa. Ni-rub lang ni Yssa 'yung likod ko saka patuloy na nagsasabi ng 'sssh'.

Buti nalang talaga at nakilala ko silang dalawa kung hindi, hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayong gabi. Ayoko munang matulog sa bahay na iyon. Masyadong maraming alaala na nakakasakit. Hindi ko alam kung talagang malas lang ako o talagang walang taong kaya akong mahalin ng totoo.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now