Chapter 22

2.4K 37 12
                                    

Dedicated kay iieternity. Salamat po sa pagpromote ng story ko. Mehehehe. Read her story, 'Four Leaf Clover' :) Interesting eh? HIHIHIHI. :D

♥~♥~♥~♥~♥

[BEAST FRIEND]

**CANDY's POV**

Pagkaalis nung hipon, saktong dating naman ni Nat. Nakakunot yung noo niya saka niya nilapag yung binili niyang tatlong frappe pero hindi siya umupo. Ay, bahala nga siya.

"Where's Holly?" tanong niya agad habang lingon ng lingon.

"May gagawin pa daw siya eh," prenteng sagot ko saka ko kinuha yung isang frappe. Parang nainis naman yung mukha niya.

"Tss. My time's wasting here. Mabuti sana kung nandito si Holly," sabi niya lang saka ako iniwan ditong magisa. <//3 It breaks my heart to hear that.

Kahit sino naman sigurong marinig yung mga salitang yun galing sa taong crush o gusto nila, masasaktan diba? Parang pinamukha na rin niya sakin na walang kwenta ako. I just laughed bitterly at the thought. Nice.

Tumayo ako ng pabalibag. Muntik ko na ngang sipain yung upuan eh. Nakakainis, sobra! May gusto ba siya dun kaya ganun na lang siya makapagreact. Letcheng buhay!

"Oh okay ka lang? Kawawa naman yung bato. Wala kang kaalam alam na kanina pa siya nasasaktan," napalingon ako sa nagsalita sa malapit sakin. Psh. Si George lang pala. Pero tinamaan ako sa sinabi niya ah.

"Tsk. Nakakaasar kasi eh!" pagmamaktol ko. Nagtaka naman yung mukha niya. Umupo muna ako sa buhanginan saka siya tumabi sakin.

"Ano ba yang kinaiinisan mo? O kaya naman sino?" mapangasar na sabi niya. Isa pa siyang dadagdag sa BV ko ngayon. Aish!

"Naman eh! Bwisit kasi yung haliparot na kasama ni Nat eh. Ang maldita saka malandi!" kinuha ko yung nakita kong bato saka ko hinagis.

"Ahh. So, nagseselos ka?" sabi niya na nagsmirk ng mapangasar. HUWAT THE HECK?! Sinong nagseselos ha? Sino?!

"Never in anyone's wildest dreams," sabi ko ng matalim. Tsk! Hindi ako nagseselos noh!

"Eh anong tawag mo diyan?" inosenteng tanong niya. Inis! Inis lang to dahil responsibilidad ako ni Nat eh! Dapat ako yung binabantayan niya hindi siya! Dapat ako yung kasama niya, hindi siya! Oopss. Mali! Eh bakit ba? Yun yung gusto ko eh!

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now