Chapter 35

1.6K 19 0
                                    

[UNKNOWN FEELING]

George:

-day of pageant-

Nakaready na kami lahat. Andito kami ngayon sa backstage, nagpeprepare. Medyo naiilang ako kay Casey and don't ask me why. Bigla nalang akong nailang dahil dun sa sinabi ni Candy nung Tuesday nung lunch.

Totoo kaya 'yun? Some of me hopes that it's true but some of me don't. I don't know, it's confusing.

By the way, nakapangsemi formal ako ng attire. Yun daw yung una eh. Si Casey naman naka-cocktail dress. I admit, she's beautiful. Oh baka malaglag, gusto kong sabihin sa puso ko.

"Are you nervous?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Casey sa 'kin, nakangiti.

Ngumiti ako ng pilit saka ako tumango. "Konti."

"Haha. Me too. Kaya natin 'to. AJA!" Tinaas pa niya yung kamay niya saka ngumiti ng pagkalapad lapad. I find it cute, though. Pero naiilang pa rin ako. Hay.

"Be ready contestants. The show's about to start in five minutes." Pumila na kami nung marinig namin yung sinabi nung coordinator. I was standing beside Casey. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya.

Ngayon ko lang din napansin na matangos pala yung ilong niya. Saka mahaba pala yung mga pilik-mata niya. Pati rin yung mga labi niya, ang pula pula. Anobayan! Kung anu anong iniisip ko. Pero tototo naman kasi e. Ngayon ko lang talaga napansin yung mga 'yun.

"...and may I present to you, the contestants of Watson High!" Sa sobrang pagkalutang ko, yun lang yung narinig ko na sinabi ng host. Nagumpisa nang lumabas yung contestant #1.

Napaitlag ako nung bigla siyang kumapit sa braso ko. What the hell is this feeling? Bakit bigla bigla nalang akong nagiging magugulatin pagdating sa kanya? Gusto ko na ba siya? No, it can't be. Hindi ganito yung naramdaman ko nung nagustuhan ko si Candy so it's impossible.

Susunod na kami, number 4. Kaya pala kumapit na siya. Nung nakita na naming pabalik na yung #3, lumabas na kami ni Casey. Pinilit kong ngumiti, aba sinong stupido ang rarampa ng nakabusangot?

"Breathe in, breathe out." Narinig kong bumubulong si Casey. Napapangiti na lamang ako sa sarili ko. She's really different. Kung sigurong ibang babae 'to, confident na confident nang rumarampa.

Bumalik na kami sa backstage. "Woo!" I whooped saka nagsigh in relief. One down. Tatlo kasing attire 'to. Semi-formal, sports attire, saka yung last is Christmas attire. After that, it's question and answer portion then awarding.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now