Chapter 38

1.5K 25 6
                                    

[COMFORT]

[Candy]

Naglunch na kami tapos bumalik uli ako dito saka nagayos ng mga kung ano ano. Kina Nat pala 'yong retshouse na 'to. Technically, sa lolo niya, pinamana lang. Nung bumalik ako dito, umakyat din siya para sundan ako. Tapos ayun hinila na naman ako. Kaya magaalas-singko na, wala pa rin akong natatapos. Dahilan naman niya, minsan lang daw 'to. Tapos din, kanina pa niya ako minamanyak as well as binabanatan ng mga pick up lines. Seriously, hindi siya normal today.

"'Sang site mo nakuha 'yang mga lines na 'yan? Kay Bob Ong ba?" pangaasar ko sa kanya. His smile disappeared and changed into a grim. Di niya bagay ang pout. Haha. Joke, kahit ano naman ata bagay sa kanya e.

"Minsan lang akong ganito. Lubusin mo na," nakasmirk na sabi niya. Hinila niya 'yung beywang ko papunta sa side niya. He hugged me from behind while burying his face on my neck. Oh my gosh! Once again, my hormones! Nagwawala sila!

"Sus. U-utot mo." Nautal pa 'ko. Kasi naman 'yung sensyasong binibigay niya, grabe! 'Di ko alam kung normal pa ba 'to. But I can't deny the fact that I love it. I absolutely love the feeling. Sana ganito nalang habang buhay. Walang kahirapan. Walang pagsubok. Pero imposible naman 'yun.

"Mmm." Lalo pa siyang sumiksik. Kala mo naman wala ng space e. Nanatili kami sa ganung posisyon ng mga ilang pang minuto. Maya maya, may narinig kaming pagtikhim sa labas ng pinto. The door was slightly ajar. George was standing there. He half-smiled as we hurriedly stood up. Hala, nakita niya kami sa ganung posisyon. Hala hala, nakakahiya! Feeling ko tuloy kamatis na ako sa pula.

"Sorry kung nakakaistorbo ako." May nakakaloko pang ngiti sa labi niya. "Gusto ko lang sanang makausap ka Candy. Kung okay lang." Tinignan niya ako saka niya tinignan niya si Nat na parang humihingi ng permiso. Tumingin muna ako sa bae ko (naks) na tumango naman. Wow, bilis ah. Bago ako lumabas, kiniss ko siya sa pisngi saka ngumiti.

"I'll see ya later," paalam ko.

"Yeah. I won't be going anywhere. I'll just stay here."

"Okay. Uhm, I-I lov - "

He chuckled. "Love you too."

I snickered before completely leaving the room. I followed George out of the house. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang stall na nagtitinda ng sushi saka fishcake. Yum! Pagkatapos, dumiretso kami sa dalampasigan. Inaya niya akong maupo dun para kumain.

Ewan ko ba dito. Bigla bigla nalang manlilibre tapos magaayang magsightseeing. Hindi kaya... gusto niya akong tanungin about kay bessy. Oh noes! 'Di nga kaya 'yun? 'Yun siguro noh? Kasi naman once in a blue moon lang siya manlibre noh! As I said before, I wanna help him, but I want to do it in the right way. Hindi pwedeng easy easy lang, Kelangan niyang matuto. Hindi uso PBB dito e.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now