Chapter 44

1.3K 26 8
                                    

[OKAY]

[Candy]

I finally found my words. "Nat."

Hindi pa rin siya kumikibo. 'Yung mukha niya parang nakakita ng multo. I patiently waited for him to recover and when he does, I gave him a half-smile pero hindi niya iyon binalik. Instead he questioned, "What are you doing here?"

"I came to... see you." 'Yun lang ang nasabi ko.

"See me? You went all the way here just to see me?" tanong niya habang nakakunot 'yung noo. I nodded unsurely.

Tsk. Kung alam mo lang na higit pa doon ang pinunta ko dito.

"Really?" Nakataas naman ngayon 'yung kilay niya. Hindi agad ako nakasagot. Sobrang nahihiya pa ako sa ginawa ko sa kanya these past few days. Nahihiya ako kasi, agad ko siyang pinagbintangan. Kasi hindi ko siya pinakinggan. Kasi hindi ko siya pinagkatiwalaan. Pakiramdam ko hindi ako deserving.

"Actually no. I came here to... to... well, to apologize," nakayukong pagamin ko. Lamunin mo na'ko, sahig. Now na, pronto!

Lumabas siya saka niya sinara 'yung pinto. Sumandal siya sa dingding pagkatapos saka tinignan ako. "What for?" So ganun, wala siyang balak papasukin muna ako, dito na lang kami maguusap? Ayos a!

"You know, d-dun sa mga nagawa ko. Hindi ko naman alam e. Sorry." Mahina lang pero sapat naman para marinig niya.

"Whatever came in your mind and you decided to apologize?" Sungit lang? Naku, mahaba habang usapan 'to. Lumakad ako para tumabi sa kanya saka umupo habang nakapatong 'yung mga braso ko sa tuhod ko.

"Well uh, I learned na dapat ko munang pakinggan ang paliwanag na isang taong nagkamali sa'kin. Na dapat, 'wag kong paganahin ang galit ko agad at selos. Na isipin ko muna ang mga sasabihin ko bago ko ilabas iyon sa bibig ko. At dapat pagkatiwalaan ko 'yung taong mahal ko." Halos pabulong na paliwanag ko sakanya. Mahirap umamin ng pagkakamali pero mas mahirap kung hindi ko ibaba ang pride ko.

"I'm sorry dahil hindi kita pinakinggan at nagdesisyon ako basta basta ng hindi man nagiisip. Pinagsisihan ko na lahat ng iyon. Lahat ng mga nagawa ko, pinagsisihan ko na. Hindi mo alam kung gaano ko nireregret ang mga pagkakamaling nagawa ko. Sorry din kasi..." Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napapaluha. "...napagsalitaan kita ng mga masasamang salita tapos pinahirapan pa kita, na kung tutuusin ako dapat ang naghihirap. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Tama nga." Hindi ko pinahalata na tumulo 'yung luha ko kaya naman tumingin ako sa taas.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now