Chapter 20

2.5K 33 6
                                    

---------------> if you want to play the song sa gilid, you can. :)

[LIKING HIM?]

**CANDY's POV**

Kinabukasan, 'booth' day na. Umaga palang kaya nagaayos at nagreready palang kami. Mamaya pa kasi yung actual na game.

Nakaupo lang ako dito sa labas, sa may garden na katapat nung booth namin. Pinapanood ko lang yung mga kaklase kong naghaharutan. Nandun din sina Nat, kasama niya yung barkada niya.

Kahit na sa magkabila-bilang building pa sila, pumunta talaga sila dito kasi sinabi ni Nat. Oh diba? Powerful eh. =__=

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Nat. Ang gwapo pala niya noh? Sobrang puti na akala mo'y anghel. Pag tinignan mo, aakalain mong super bait niya dahil medyo inosente yung mukha niya.

Ang pula ng labi niya. Humighad! Kissable lips. Napapangiti nalang ako sa naiisip ko.

Paano kung magkatuluyan nga kami? Yung tipong magiging magasawa kami? Yung walang away o sumbatan? Ano kayang feeling nun? Yung magiging sweet siya sakin?

Nakakatuwa siyang panuorin kasama yung mga kaibigan niya. Dagdag pogi points. ^___^ Nagbibiruan sila habang tumatawa. First time kong marinig tumawa si Nat. And honestly, it's music to my ears.

Bigla siyang napatingin sakin kaso inirapan lang niya ako. Ansama! Pero bakit wala akong makapang inis sa kanya ngayon araw na ito? Kahit sa kailalaliman ng mga buto ko, WALA! Instead, nasisiyahan ako.

Lumakad siya papunta sa direksyon ni Izzy saka ba naman siya hinapit sa baywang saka hinalikan. </3

Ouch.

Parang may tumusok sa bandang dibdib ko. Mygash! Ano ba yun? Parang naiinis nako sa kanya ngayon? Parang..parang..nakakatampo ba? Abnormal na ata ako. Bipolar.

Landi niya talaga! Hmph! Pero kahit na ganun, bakit ba merong katiting na pagasa dito sa puso ko? Yung umaasa ako na magbabago yung pananaw namin? Yung bang fate namin. Ay ewan.

Ang saya saya ngayon. Ngayon ko lang narerealize na, there's millions of reasons to smile than just thousands of reasons to cry. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagbubulyawan namin ni Nat, sa huli sa iisang bubong pa rin kami tumitira.

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon