Chapter 45

1.9K 24 4
                                    

[BOMBSHELL]



[Candy]



Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon papunta sa bahay ni bessy. Nakiusap kasi ako kay Nat na dumaan muna kami doon bago kami umuwi kina Mommy. Gusto kong humingi ng tawad. Kahit anong mangyari, bestfriend ko pa rin siya at nalulungkot ako dahil kailangan niyang umalis ng bansa. Pa'no naman sila ni George? :(



Nasa tapat na kami ng bahay nila. "I'll just text you kapag magpapasundo ako," I told Nat.



"Are yo usre you don't want me to join you or at least wait for you?" he asked, making sure. Tumango lang ako saka siya hinalikan sa pisngi. Pababa na sana ako nung hatakin niya ako saka hinalikan sa labi. Mainggit kayo! Mwahaha!



"Ingat ka, pakakasalan pa kita." Kinindatan pa niya ako nung pagkasabi niya 'yun. Argh! That guy really knows when to cheer me up. Imibis tuloy na kinakabahan ako, kinikilig na ako.



Umiling lang ako saka tuluyan ng bumaba. Hinintay muna niya akong makapasok nung makadoorbell ako bago siya umalis. Oh! How I love him!



Pinatuloy ako ni Aling Martha sa loob at naispatan ko si Casey na nanonood ng TV habang kumakain ng chips sa sala. Bumalik 'yung kaba ko, naman! Kahit hindi pa niya ako napapansin parang feeling ko, libo libong igonrance na ang matatanggap ko.



Hindi ko namalayan na ilang minuto na akong nakatayo dun, umalis na rin pala si Manang pero hindi pa rin niya ako napapansin. I decided to call her out. I have to do this. I need to.



"Casey." Bigla tumigil 'yung kamay niya sa ere na dapat ay kukuha ulit na chips nung tawagin ko siya. Kaya mo 'to! Think positive!



Lumingon siya sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata niya. "C-candy?"



I strode slowly around the sofa and sat beside her. Hindi pa din siya makapaniwala. Inilapag ko 'yung handbag ko sa tabi ko saka siya tinignan.



"Gusto kong humingi ng tawad," straight to the point na sabi ko saka nagpatuloy, "sa lahat ng mga nasabi ko sa'yo. Hindi ako nagiisip nung mga oras na 'yon. Hindi matino ang utak ko no'n. Hindi rin ako nakinig muna sa'yo. Ang sama kong kaibigan noh? Hindi ko nga mainitindihan kung bakit mo pa 'ko kinakaibigan e. Pero I'm still grateful. Sana mapatawad mo pa ako. I've learned a lot from my mistake and I will never do the same mistake again," nagmamakaawang paliwanag ko. Kinakabahan ako na baka bigla na lang niya akong salakayin or what.



"Tama nga si Nat. Stupid ka nga." Napanganga siya sa sinagot ni Casey. What the...? "Pero kahit ganun, hindi naman ako ganoon kababa para sabayan 'yung galit mo non kaya inintindi ko nalang. Hinayaan ko munang lumamig 'yung ulo mo at marealize mo 'yung mali mo dahil alam ko ikaw din 'yung hihingi ng paumanhin sa huli," nakangiti na siya habang sinasabi 'yun. Ibig bang sabihin nito okay na sila?

Marrying My Enemy (Part 1 | Completed)Where stories live. Discover now