1. BAGO ANG LAHAT

35K 698 119
                                    

BAGO ANG LAHAT

February 03, 2017

"Bakit ngayon ka lang umuwi?! Alas-siyete na ng umaga, James! Nag-inuman na naman kayo ng mga walang kwenta mong kaibigan! Nagsasawa na ako sa mga gawaing mong ganyan. Anim na taon ka na sa kolehiyo, magtino ka naman! Hindi na namin alam ang gagawin sayo, James. Ang tigas-tigas ng ulo mo!" ang galit na pagbati sa akin ni Daddy pagkapasok ko ng bahay.

"Dad naman, umagang-umaga nagagalit ka. Sorry kung-,"

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo! Tandaan mo ito, this will be your last chance. 'Pag na-fail mo pa ang mga subjects na ilang beses mo nang ibinagsak, bahala ka na sa buhay mo. Sinasayang mo ang pera namin ng Mama mo. Bakit 'di mo gayahin si Charlie na masipag mag-aral at walang bisyo....."

Ito na naman. Ikinukumpara na naman ako kay Charlie. Si Charlie ang younger brother ko. Dalawa lang kaming magkapatid kaya malakas ang competition between us. Magkaibang-magkaiba kami ng personality ni Charlie. Kumbaga angel siya at ako ay devil. Pero sa aming dalawa, aminado naman ako na mas gwapo ako kesa sa kanya.

Sa mga nasabi ni Daddy, nag-e-echo ang 'this will be your last chance'. Yun yung unang pagkakataon na sinabi niya ito. Honestly, bigla akong natakot for the first time. Ewan ko ba kung paranoia lang ito. Ito na siguro ang oras para mag-seryoso. Pero pano na yung mga laro namin ng computer games? I can't miss that.

"....umakyat ka na sa kwarto mo at mag-ayos ng sarili. Wala na akong pake kung papasok ka ngayon sa mga klase mo o hindi. Matalino ka pero tamad ka lang, James. Basta tandaan mo na last chance mo na ito!"

"Kung pumayag sana kayo sa kursong gusto ko, sana hindi ako tinatamad mag-aral ngayon!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Watch that tone! And this is the best for you."

"For your company!"

"This is all for your future, James."

"Then my future will be doomed because of you!"

"Go to your room!"

Sa dami ng pwedeng maging Daddy sa mundo, bakit siya pa ang naging Daddy ko, a selfish and single-minded businessman, and who never praise his children.

-

Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba ako sa may dining area para kumain. As usual, mag-isa na naman akong kakain. Maagang pumapasok sa work si Mama, si Daddy naman ay halos kaka-alis lang kanina pagkapunta ko sa kwarto ko, at si Charlie naman ay nasa isang dormitory sa Manila. Magkasama kami dati ni Charlie, pero nung nalaman ng parents ko na lagi ako sa bar at halos 'di na pumapasok, pinabalik ako dito sa bahay. Which is pinagsisihan ko talaga. Isang oras ang biyahe ko dito papunta sa university. Binawi ni Daddy yung kotse na ibingay niya sakin nung 21st birthday ko dahil sa kapilyuhan ko. Kaya heto ngayon, nag-co-commute ako. Dahil sa wala akong ganang kumain,kumuha na lang ako ng mansanas mula sa mesa.

-

"James, buti naman at pumasok ka ngayon. Magbibigay ngayon si Mr. Gomez ng long quiz," sabi ni Raffy. Siya yung ka-klase ko sa tatlong class. Hindi siya kasama sa group of friends ko ngayon. Una sa lahat, hindi siya qualified para makabilang sa grupo. Hindi siya marunong mag-DOTA, no-girlfriend-since-birth, baduy, at KJ sa inuman. Pero nananatili pa rin siyang kaibigan ko dahil magkasama sa isang company ang Daddy niya at Daddy ko.

Oh no! Kung alam ko lang sana na magpa-pa-quiz si Mr. Gomez, sana nakagawa pa ko ng cheat sheet. Kailangan ako na naman itong takasan. Tatayo n asana ako mula sa arm chair nang biglang pumasok na sa room si Mr. Gomez.

"Good morning class. Get ready. We'll start the quiz in a minute," sabi ni Mr. Gomez sabay taas ng eyeglasses niyang nadudulas mula sa kanyang ilong.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now