15. O, INTRAMUROS

6.1K 226 0
                                    



15

February 26, 1945

Madaling araw palang ay naghanda na ang hukbo para sa muling pag-atake sa Intramuros. Hindi pa kami nakakalapit ay makikita na ang mga sunog sa loob. Sa paligid ng mga ilan daang taong mga pader ay may mga howitzers at tangke, at meron ding mga sundalong may flamethrowers. Walang kalaban-laban ang marupok na haligi ng ilang daang taon nang Intramuros sa mga kagamitan nila.

Mas madali namin napasok ang loob. Papataas na ang araw at lalo naming nakita ang napaka-laking sira ng lumang syudad. Ayon sa iba ay may mga sibilyan pa sa ibang mga gusali at ang iba sa kanila ay hindi makalabas dahil sa guho. Lalong dumami ang mga patay sa paligid at ang iba ay nagkukumpulan na sa gilid. Sa kalangitan ay may mga fighter jets at nagbagsak sila ng mga bomba sa buong lugar. Tuloy-tuloy at sunod-sunod ang mga pagsabog mula sa mga ito at sa mga nasa paligid ng Intramuros. Mabilis kaming tumakbo palabas at nang lumingon ako sa likuran ko ay nasaksihan ko ang pagwasak ng isang simbahan. Ang pinasukan naming butas kanina sa haligi ay isa na ngayong malaking tipak ng pader at maliliit na semento. Nasaksihan ko ang pagpasok ng mga tangke. Tumawid kami sa Ilog Pasig gamit pa rin ang boats. Sa isang bahagi ng Escolta ay kitang-kita ang mga malalaking pagsabog at malalakas na ingay. Wala na akong makitang nakatayong pader na nakapalibot sa Intramuros. Nalaman ko sa isang gerilyang Pilipino na higit tatlong daan ang bilang ng mga ibinabagsak na mga bomba ng mga Kano kada araw magmula nung mapasok ito.

"Paano na ang mga literatura, sining, at arkitektura na walang halaga sa pera?" ang tanong ni Andres kay Miguel.

"Wala lang ang mga iyan sa mga Kano, Andres, at mas mahalaga ang buhay nila at ng mga Pilipino. Sa mga gusali ay madami pa ang mga kalaban at kailangan nilang gawin iyan para maging mas madali ang lahat," sagot ni Miguel.

"Pero sana hindi ganyan katindi na halos mapulbos na ang Intramuros. Lalo nilang nilulugmok ang ekonomiya ng bansa!"

Malaki nga pala ang galit niya sa mga Amerikano. Pero may punto siya.

Napatingin siya sa akin at sinabi ko, "Muling mabubuhay ang Intramuros, Andres." at kinindatan ko siya. Tumango siya ng mabagal at pinanood naming lahat ang pagbura sa Intramuros, kung saan nagsama ang kultura ng mga Europeo at Asiano, kasama ng mga kayamanan at ala-ala ng nakaraan na hinding-hindi na maibabalik at mapapalitan.

Parang wala lang sa akin ang Intramuros tuwing nadadaanan ito ng sinasakyan kong taxi papunta sa university. Pero ngayon, ang sakit sa loob na nakikita mo itong nasisira at walang panama sa mga makabagong kagamitang pandigma ng mga sundalong Amerikano.

-

Bago kami bumalik sa kampo ay dumaan muna kami sa Quezon Avenue. Napakalaki ng pinsala sa simbahan ng isang simbahan na hindi ko na-recognize na isa palang simbahan nung una. Nakatayo pa ang Great Eastern Hotel pero nangingitim na ito at maaaring gumuho ano mang oras.

Ito na ang kinahatnan ng Perlas ng Silangan. Kahit alam ko na muling maayos at gaganda ang Manila ay masakit sa kalooban ko sa mga nakikita ko.


Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon