11. ANG SUNDALONG HAPON

6.6K 243 7
                                    

February 19, 1945

Sinusubukan ng mga Hapones na ma-kaalis sa Manila at kailangan silang mapigilan ng hukbo. Sumama ako sa kanila sa tinatawag nilang Calle Herran. Hindi ko alam ang lugar na ito pero nung masundan ko ang mga nilakaran namin ay maaaring ito ay ang kahabaan ng Pedro Gil sa panahon ko. Wala itong pinagkaiba sa mga kalye sa Manila na nadaanan ng bakbakan. Maingat namin itong sinuri.

Ilang sandali pa ay nagpalitan na ng mga putok ng baril sa paligid.

"Dumapa ka at diyan ka lang sa gilid, Tiago!" ang sigaw ni Gabriel sa akin. Hindi ko sinunod si Gabriel at sa halip ay sumandal ako ng mababa sa pader ng sira at abandonadong gusali. Sa peripheral view ko ay may nakita akong tumakbo sa likuran ng isang gusali. Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang paligid, tsaka sinundan ko ang nakita ko para makasigurado.

Nang makarating ako sa bandang likuran ng gusali ay may nakita akong nakaupong sundalong Hapon sa sahig at nakasandal sa pader. Nag-panic ako at agad na itinutok ang rifle ko sa kanya. Napansin niya ako at agad siyang tumayo at itinaas ang dalawang kamay. Pinagpapawisan siya at nangingitim ang muka dahil sa araw. Tantya ko ay parang magkasing edad lang kami at mas payat siya kesa sa akin. Nilapitan ko siya at bigla siyang lumuhod. Kailangan ko siyang barilin! Kitang-kita ko ang takot sa kanyang muka. Napansin ko na may hawak-hawak siya sa kanyang kanang kamay. Itinuro ko ito gamit ang rifle na hawak ko. Nanginginig siya habang hinaharap at pinapakita niya sa akin ang nasa kamay niya. Isa itong lumang litrato na may isang nakakatandang babae na may katabing batang lalaki. Naka-kimono silang dalawa at hindi ko malaman kung anong kulay nito. Family picture, pero nasaan ang tatay? Baka wala na ang tatay nito. Nakaramdam ako ng awa at panghihina nang bigla itong umiyak. Tulad ng karamihan, isa din siya sa mga sumusunod lang sa utos at may umaasang pamilya na siya'y maka-uwi ng buhay. Nothing's fair. And I really need to kill him.

May mga sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Para siyang nagmamakaawa. Nyeta! Binaba ko ang baril ko at tinignan siya. Ngayon ay nasa maduming sahig na rin ang kanyang dalawang kamay at nakayukong umiiyak.

BANG!

Nagulat ako sa malakas na putok ng baril sa tabi ko at nakita kong napahiga ang sundalong Hapon dahil sa impact nito. May nangingitim na butas sa kanyang ulo at naliligo ito sa dugo. Napanganga ako at sumiklab ang galit ko.

Tinignan ko kung sino ang bastardong bumaril dito. Nakita ko si Herrerias na nakatayo at nakatutok ang baril sa direksyon ng Hapon sa di kalayuan. Nakangiti siya pero galit ang mga mata nito. Ang yabang talaga ng isang ito, hindi pa naka-metal cap. Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis akong naglakad papunta sa kanya.

"BAKIT MO SIYA PINATAY?!"

Binaba niya ang kanyang baril at tumawa. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa galit. Mabilis na ang paghinga ko at sumasakit na ang dibdib ko.

"Hahahahaha! Anong gusto mong gawin ko, HALIKAN SIYA?!"

"Wala kang dignidad! Sumuko na siya, Herrerias!" sigaw ko.

Naging seryoso ang kanyang muka at tono.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa mga sumukong Pilipino at Amerikano?" tanong niya. Tinignan ko lang siya. "Mata sa mata. Ngipin sa ngipin."

"Ang ideya ng mata sa mata ang magpapa-bulag sa mundo...ayon kay Ghandi...tama siya Herrerias..."

"Sabihin mo sa kanya na bulag na ang mundo, Salvacion, at bingi na ang lumikha nito!" sabi niya at tumakbo papunta sa mga nagbabarilan. Nagpunas ako ng luha at sumunod sa kanya.

"Kinakain ka na ng paghihiganti, Herrerias!"

Muli niya akong hinarap pero ngayon ay nakatutok ang rifle niya sa muka ko. Naghahalo na ang galit at kaba ko.

"Umiikot na ang mundo ko sa paghihiganti at hindi mo ito mababago, Salvacion...at wala kang alam sa kaya kong gawin." Binaba niya ang kanyang baril. "Alam mo, sana hindi ka na lang sumama dahil nagmumuka kang isang maliit at mahinang daga sa grupo ng mga malalaki at malalakas na aso, at siyempre ang mga kaaway ay ang mga gutom na pusa. Pero sa totoo lang...isa ka ngang maliit at mahinang daga...tulad ng mga traydor sa lipunan." Tumakbo siya papunta sa mga nagbabarilan at ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"Hindi ako traydor," bulong ko sa sarili ko nang na-iwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. "Hindi...ako...traydor..."

Siguro kailangan ko muna silang intindihin, pero hanggang kailan? Hindi ko na kaya ang mga nangyayari at baka tuluyan na akong mabaliw. Kahit gusto ko, hindi ko talaga kayang pumatay ng kapwa tao. I wasn't born for such. I will never be a murderer, and after all I am just a weak and little rat.

-

Madami ang nasawi at sugatan. Nasama sa mga bangkay ay sina Gabriel at Herrerias. Sabi ni Miguel ay natamaan sa ulo si Herrerias at si Gabriel naman ay nasabugan ng granada. Nag-alay kami ng dasal para sa mga kaluluwa nila. Memorize ko na ang mga dasal dahil araw-araw may mga namamatay at kailangan nila ng dasal para sa ikatatahimik ng kanilang mga kaluluwa.

Ayon sa isang USAFFE gerilya ay umurong ang mga sundalong Hapones at bumalik sila sa Intramuros na siyang kuta nila, at ito lang ang magandang balita ngayong araw.

Habang ginagamot ko ang isang sundalo, ay nilapitan ako ni Kap Francisco at sinabi niyang ako nalang ang magpaliwanag kina Jose at Juan sa nangyari sa pinsan nilang si Gabriel.

Nakita ako silang naglalaro ng buhangin mula sa mga gumuhong pader at nilapitan ko sila. Diniretso ko na sila.

"Jose, Juan, nasa langit na ang kuya Gabriel ninyo."

Naintindihan nila ito at natulala sila. Maya't maya ay humagulhol sila sa pag-iyak. Niyakap ko silang dalawa at niyakap nila ako pabalik.

"Papatayin ko sila. Papatayin ko sila!" Ang paulit-ulit na sinabi ni Jose.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Sa oras na ito ay gusto kong mang-torture at pumatay. Bigla akong nauuhaw sa dugo ng mga kalaban. Naisiip ko na iba ang mga Hapon ngayon sa mga Hapon sa henerasyon ko.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now