21. ANG PAGBABAGO AT MULING PAGKIKITA

6.4K 255 24
                                    


21

March 13, 2017

Dahil binalik na ni Daddy ang kotse ko na regalo niya noon, naging madali na ang biyahe ko papunta sa university.

Nag-park ako at pagkalabas ko ng kotse ay nilapitan ako ng grupo nina Alex.

"So, welcome back, man," bati sa akin ni Alex.

Tinignan ko ang paligid at pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante. Mga dakilang chismosa.

Hinarap ko sina Alex, Brian, Jon, at Cliff.

"I quit and please stay away from me," sabi ko at dumaan ako sa gitna nina Alex at Brian. Agad naman akong hinawakan ni Cliff sa balikat at forcefully na iniharap sa kanila at ngayo'y kitang-kita ko ang galit sa kanila.

"Anong bang problema mo?!" ang nanggagalaiting tanong ni Alex. Hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya at parang gusto ko pa siyang hamunin.

"You are all my problem," ang sagot ko habang tinuturo ko sila. "Ang pagsali ko sa grupo na ito...is the dumbest idea that I've ever made."

"What?"

"Hindi naman siguro ako nagsalita ng Latin para hindi mo maintindihan, Brian."

"Sumosobra ka na, James! After all-"

"After all what, Alex?"

"Why don't you punch him in the face, Alex," sabi ni Jon kay Alex pero sa akin nakatingin.

"Yeah. Why don't you?" paghahamon ko.

Lalo kong nakita ang galit ni Alex at halos malalim na ang mga paghinga nito at namumula na ang muka.

"Let's do this man to man, James," sabi ni Alex at ibinaba niya ang kanyang bag na walang laman.

"You are not a real man, Alex."

Nakahanda ang muka ko sa suntok niya pero hindi niya ako sinuntok at napansin ko na tumingin siya sa palagid at napansin siguro niya na madami ang nakatingin sa direction namin. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay nginitian ko siya.

"Why don't you punch me right now, Alex? 'Di ba diyan ka naman magaling, huh? Ipakita mo sa mga tao dito kung gaano ka kayabang."

Napansin ko na pale white na ang knucles ni Alex at halatang-halata ang ugat sa kanyang kamao. Sina Jon, Brian, at Cliff naman ay pino-provoke siya at pinipilit na suntukin ako ng malakas.

Pinulot ni Alex ang kanyang bag at sinabi, "Wala kang utang na loob, James Salvacion. We didn't do anything tapos ganito ang trato mo sa amin. I mean, what the hell, you're just so stupid. You stepped into a boundary at alam mo ang kahihinatnan mo and you'll going to regret this so bad."

"Tinatakot mo ba ako o pinapatawa, Alex?"

"Shut your damn mouth! Think of it, sino naman ang tanga na lalaban sa'yo...a weakling and good-for-nothing asshole? It's not worth it, James."

"You're not worth it."

"What do you mean?!"

Hinawakan ni Brian ang braso ni Alex.

"Enough, Alex. You're risking our reputation," sabi ni Brian sa kanya.

Reputation. Their stinky reputation.

"If I see a chance, I will punch you so hard that you'll be needing a plastic surgery to fix your damn face and- "

Napatigil siya nang bigla akong dumura sa harapan niya. Now, he's so pissed off.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now