12. WORST CRIME OF ALL

6.6K 245 3
                                    

February 23, 1945

Maaga nagising ang lahat. Alas-siyete palang ay papunta na kami sa Intramuros. Pinilit ko si Kapitan Francisco na isama ako at pinayagan naman niya ako basta sa tabi niya lang ako. Pero bago ako sumama sa kanila papunta sa Intramuros ay napag-isipan ko munang pumunta sa Manila Hotel kasama ng ibang sundalong Amerikano, para makita ko kung ano ang dating itsura ng hotel.

Nakakadismaya. Sirang-sira ang Manila Hotel at nagkalat ang mga tipak ng semento sa paligid. Sana hindi nalang ako nagpunta. Sayang ang effort. Habang pinagmamasdan ko ang ruins ng hotel ay may lumabas na isang sundalo mula sa isa sa mga pintuan at kasunod niya ang isang heneral. Pamilyar ang kanyang muka pero hindi ko maalala kung saan ko siya na-encounter.

"He must be so angry right now that the Japs turned his penthouse into ashes," ang sabi ng sundalong Amerikano sa likuran ko. Hinarap ko siya.

"What's his name?" tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina bago sumagot. What's funny?

"You must be kidding me. He is no other than General Douglas MacArthur."

Muli kong tinignan ang heneral na ngayo'y papalapit sa direksyon naming mga sundalo at gerilya. Hindi ko agad na-realize na kanina pa ako nakatitig sa kanya nang biglang nag-meet ang mga mata namin at tumango siya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. I can't believe this. Buti nalang sumama ako sa kanila.

-

Sa gilid ng Pasig River ay may mga nagsisilakihang howitzers, tanks and with 140 gun artillery barrage. Sadly, gagamitin nila ito para sa the Walled City. Alam ko sa sarili ko na hindi lang ang mga semento sa Intramuros ang kaya nitong pulbusin o patumbahin, pati ang mga naipit sa loob na mga sibilyan ay madadamay. At nag-umpisa na ang kanilang assault.

Nakakabingi ang bawat pagsabog na sinamahan pa ng mga machine guns sa taas ng gusaling katapat ng mga tangke. I covered my ears with my dirty hands and I closed my weary eyes. I hummed but still mas nanaig ang ingay ng mga mapanirang teknolohiya. Ilang minutes ang lumipas at tumahimik ang kapaligiran.

Inayos ko ang sarili ko at parang ang mga tenga ko ay sinalpakan ng headphones na may malakas na volume ng ilang oras. Tumingin ako sa direksyon ng Intramuros at halos puro itim at brown na usok ang nakita ko.

Ayon sa narinig kong usapan ng dalawang Amerkinanong sundalo ay ang lumang Intramuros ay ang natitirang depensa ng mga Hapon, kasama ang Legislative, Agricultural, at Finance buildings.

Humiwalay kami ni Kapitan Francisco kina Miguel at Andres. Tumawid kami gamit ang motor boats at pinasok namin ang Intramuros gamit ang malaking butas sa wall sa gitna ng Quezon at Parian gates kasama ng mga sundalong Kano na may mga dalang flame throwers. Yung ibang grupo naman ay tumawid sa Ilog Pasig gamit din ang mga motorboats para umabante malapit sa lokasyon ng Government Mint.

Putukan dito at putukan diyan. Sumasabay pa ang mga sigawan ng mga sibilyan sa loob. Ang init ng panahon ay sinabayan pa ng mga flame throwers ng mga Kano na sinusunog ang mga lungga daw ng mga Hapon sa gilid ng walls.

Nasa likuran lang ako ni Kap Francisco at narinig ko siyang sumigaw ng malakas.

"Anong ginagawa niyo dito?!"

Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko sina Isko, Jose, at Juan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakasuout sila ng mga uniporme na maluwang sa kanila at may dalang mga baril na halatang nabibigatan sila. Basa ang kanilang mga katawan at buhok. Hindi ko ma-imagine na nilangoy nila ang ilog.

"Diyan lang kayo!" sigaw ni Kap Francisco na ngayo'y hindi mapigilan ang pag-iyak. "Diyan lang kayo...."

Wala akong nasabi kundi, "Wag...."

Napansin ng isang Amerikanong sundalo ang mga bata at sinabihan niya ang iba. Sinubukan ng isa sa kanila na makalapit sa mga bata pero huli na ang lahat ng biglang na-bomba ang gusali sa tapat nila at natabunan sila ng gumuhong makalumang gusali.

"ISKOOO!! ANAK KO!!" biglang tumakbo si Kap Francisco sa ngayo'y libingan na ng mga bata. Hindi ko agad siya napigilan dahil sa gulat ko sa mga nangyayari. Hindi ako makagalaw at nanlalabo ang mga mata kong namamasa.

Nasa gitna siya ng kalsada nang bigla siyang natumba. Natamaan siya sa hita ng isang bala. Unti-unti siyang tumayo at narating ang kinaroroonan ng ngayo'y labi ng kanyang nag-iisang anak. Lumuhod siya ay hinawakan ang nakalabas na kamay ni Isko. Napahiga ang kanyang katawan dahil sa muling pagkakabaril sa kanya ng isang Hapon at hindi na muling nakatayo pa.

Nooooooooo!!

Sumigaw ako ng malakas at umabante. Pinagbabaril ko ang mga makita kong Hapon. Ngayon lang sumiklab ang napaka-tindi kong galit. Mas galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para sa kanila. Hindi ako nakaramdam ng kahit konting awa sa mga biktima ko.

Sa gilid ng isang simbahan ay may nadaanan akong naghihingalong Hapon na may tama sa dibdib. Nandilim ang paningin ko at kinuha ko sa tabi niya ang isang bayoneta. Pinagsasaksak ko siya ng ilang beses gamit ang sandata niya. Hindi ako na-satisfied at lahat ng madaanan kong katawan ng Hapon ay pinagsisipa ko habang nagmumura.

Ako pa ba ito? Anong nangyari sa akin? Nakapatay ako. Nakapatay ako.

-

Habang papa-alis kami kasama ng halos tatlong libong sibilyan mula sa isang simbahan at convent sa loob ay tuloy pa rin ang barilan sa loob ng Intramuros. Natanaw ko ang Post Office at Metropolitan theater pati ang mga nasa paligid. Sirang-sira at umuusok. Sobra akong nakaramdam ng pagod at wala akong magawa kundi ipikit ang mahapdi at namumugto kong mga mata. Nasaan ang awa ng Diyos? Sandali, may Diyos ba?

Nagkaroon ng malakihang pag-exit sa Intramuros. Gamit ang ginawang panandalian tulay, nakatawid ang iba sa ilog. Ang iba nama'y sa mga bangka sumakay.

Sumakay ako sa isang military truck at na-realize ko na sobra ang panginginig ng aking katawan. Muli akong lumabas mula sa sasakyan na parang wala na sa katinuan.

Pagkababa ko ay hindi ko na napigilan ang bugso ng emosyon. Umiyak ako at bigla akong napahiga. Tinakpan ko ang aking mga mata at lalo akong humagulhol sa pag-iyak.

Napasigaw ako sa sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko inside out.

May tumulong sa katawan kong makaupo at iminulat ko ang aking mga mata. Isang payat na sundalong Kano na may maduming brown pants at puting sando. "Stand up, kid!" Tinulungan niya din akong makatayo. Nahihirapan akong tumayo pero kailangan kong tumayo ngayon. Pagkatayo ko ng tuwid ay niyakap niya ako.

"It's OK. Everything will be fine," sabi niya nang parang may assurance.

"It's not okay...my friends...I just watched them die..."

Tinanggal niya ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin at hinawakan niya ang aking magkabilaang braso. "Look at me! Listen, kid, if you're going to fight a war remember that there's a little chance that it'll be over without losing some of your friends. And don't you ever say that it's all your fault."

Tumango na lang ako at pinunasan ko ang aking mga pisngi.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now