19. ANG PAGBABALIK

6K 240 7
                                    

19

"James..." ang pamilyar na boses na hinihintay ng tenga ko, pero bakit parang sinasabayan ng iyak. "James, anak ko..."

Naramdaman ko ang mga malalambot na kamay sa pisngi at noo ko. May naaaninag akong muka sa harapan ko pero hindi ako sigurado. Hindi ako makapagsalita kaya ngumiti na lang ako at ipinikit ang aking mga mata. Nang muli ko itong iminulat ay una kong nakita ang muka ng aking Mama na akala ko'y hinding-hindi ko na makikita. Lumuluha siya pero ngumungiti. Ibang-iba siya ngayon, malaki ang eyebags, magulo ang pagkaka-pusod ng kanyang mahabang buhok, at hindi naka-make up.

"Salamat sa Diyos at natagpuan ka namin...akala naming ng Daddy mo ay hindi ka na naming makikita, and worse inisip namin na baka patay ka na...Anong bang nangyari sa iyo, James?"

It seems real. Sana magising na ako, hindi ko kayang nakikita si Mama ng ganito.

"Isang buwan ka namin hinanap, anak ko."

No, this is not a dream.

Biglang tumayo si Mama at lumabas sa may pintuan.

Tinignan ko ang paligid ko at alam kong nasa hospital ako. May nakakabit na swero sa right arm ko at may oxygen sa ilong ko. Sumasakit ang ulo ko at nakakaramdam ako ng uhaw.

Bumukas ang pintuan at nasiyahan ako sa nakita ko. Si Mama, Daddy, at Charlie ay pumasok sa kwarto at agad umupo sa gilid ng kama ko na nakaharap sa akin. Namumula ang mga mata si Daddy at Charlie na tulad kay Mama.

Hinawakan ni Daddy ang ulo ko at sinabing, "Alam mo bang sobra akong nasiyahan ngayong nakabalik ka na sa amin, James."

Si Daddy ba talaga ito o gawa lang ng imagination ko?

"Dude, buti na lang nakita ka ng janitor kagabi sa library ng school niyo. Bakit ka dun dumiretso at hindi sa bahay? Bakit hindi ka man lang tumawag? Ang dami mong pinagalala, at ano ba talagang nangyari sa'yo? Ampayat mo na tsaka para kang na-sobrahan sa tan," ang sabi ni Charlie. So, he really cares for me.

"Charlie, not now," utos ni Daddy.

"Na-miss ka namin, bro." Nakita kong ngumiti si Charlie at pinilit kong magsalita.

"Bring me home...," ang mahina kong sinabi at muli akong nakatulog.

-

Pagkagising ko ay wala na ang nakalagay sa ilong ko at maayos na ang pakiramdam ko. Nakaupo si Daddy sa upuan sa tabi ng kama ko at nagbabasa ng Stephen King novel.

"Dad..."

Tinignan niya ako at binaba ang libro sa table. Nilapit niyaang upuan sa tabi ko at hinawakan ang braso ko. Ang gaan sa pakiramdam at deep inside ay tuwang-tuwa ako. Sa mga oras na ito ay na-feel ko na mahal na mahal ako ni Daddy.

"Musta na pakiramdam mo, James?" tanong ni Daddy.

"Okay na ako, Dad. Uhm, nasaan po pala sina Mama at Charlie?"

"Umuwi muna sila para magpahinga," sagot niya at ngumiti.

"Dad, I'm starving." I really am.

Tumayo siya at kinuha ang isang paper bag sa mesa. "Ipinagluto ka pala ni yaya ng sopas," sabi ni Daddy habang nililibas ang Tupperware at kutsara mula sa paper bag. "Gusto mo subuan kita- "

"Daddy, kaya kong kumain mag-isa at hindi na ako bata," sabi ko at tumawa ng mahina. Ngumiti siya at tinulungan akong makaupo. Nandilim ang mga sulok ng mga mata ko nang nakaupo na ako, nabigla siguro ang katawan ko. Naglagay siya ng bed table sa harap ko at nilapag ang sopas at iniabot sa akin ang kutsara. Kailangan left hand muna kagamitin ko dahil may swero pa sa kabilang kamay ko.

Amoy na amoy ko ang nakakatakam na sopas at kahit medyo mainit pa ay kinain ko na. Sobrang na-miss ng lalamunan at tiyan ko ang ganitong klaseng pagkain na may lasa, may sabaw, at may mga sahog na gulay at karneng manok.

"Dahan-dahan sa pagkain, James, parang hindi ka nakakain ng ilang araw."

I wasn't.

-

Pagkatapos kong kumain ay tinanong ako ni Daddy.

"James, ano ba talagang nangyari sa'yo?"

Sasabihin ko ba ang totoo kay Daddy? Paano kung hindi siya maniwala at baka isipin niya na tuluyan nang nabaliw ang anak niya, tapos baka dalhin pa ako sa isang psychiatric hospital. Pwedeng pagkamalaan din ako na nag-droga these past days kung kelan ako nawala. Ayaw ko nang magsinungaling pero dadalhin ko nalang ang totoong nangyari sa akin hanggang sa kamatayan ko.

"Dad, does it really matter?"

"Yes."

Huminga siya ng malalim. Nakikita ko sa muka niya na gusto niya talagang malaman kung bakit bigla nalang akong nawala. Minumura na ako ng konsensya ko.

"Nilibot ko lang ang Manila, Dad. Sabihin nalang natin na sinubukan kong hanapin ang totoong ako. Napunta ako sa mga lugar na matindi ang kalungkutan at gulo, pero sa mga lugar na iyon ay may mga nakasama akong mga kaibigan na hindi nawawalan ng pag-asa na muling magiging masaya at payapa ang lahat. Nanirahan kami sa hirap at halos walang makain, pero hindi nawala ang ngiti sa aming mga labi." I need to break our eye contact and so I did. Yumuko ako at pinipigilan kong tumulo ang mga luha. "I'm very sorry, Dad, kung pinag-alala ko kayo at hindi manlang ako tumawag sa inyo...I have to do it, Dad, I hope you understand...I know I'm very selfish...Please, Dad, forgive me for everything and I mean everything. Hindi ako naging isang mabuting anak at-"

Napatigil ako nang hinawakan ni Dad ang dalawa kong kamay. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. Namumula ang kanyang mga mata at ito ang first time na nakita ko siyang ganito.

"Don't ask for forgiveness at ako dapat ang humingi ng tawad dahil hindi kita masyadong kinakamusta at dahil pinilit kita sa mga gusto ko. Alam mo nung nawala ka, inisip ko na may anak lang ako pero hindi ako isang ama."

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, Dad. That's bullshit! Oh, sorry. But I mean it."

Tumawa siya ng mahina at tumulo ang mga luha sa mga mata ni Daddy. Hinigpitan niya ang pagkaka-hawak niya sa mga kamay ko.

"James...natagpuan mo ba ang hinahanap mo?" tanong niya at ngumiti.

Ito ang side ni Daddy na ngayon ko lang nakita, at siguro ito ang totoong siya. Masyado lang akong naging judgemental at pinapansin lang ang mga imperfections niya, at dahil dun ay hindi ko nakita na isa rin siyang tao na kayang umintindi at magpakababa. I was wrong about him.

Hindi ko na napigilan ang pag-luha ng mga mata ko.

"I did."

Kumawala ako sa pagkakahawak niya at agad siyang niyakap.

"Dad, nakita ko ang sarili ko na duwag, mahina at walang kwenta...pero ang mga kaibigan ko na nakasama ko sa daanan ang nagpakita sa akin ng tunay na ako...matapang, palaban, at...at isang mabuting tao..."

"Good job, my son. I am very proud of you."

First time akong sabihan ni Daddy na proud siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam at parang isang legendary music sa tenga.

"Maraming salamat, Dad."


Stuck in 1945 (Completed 2017)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant