3. TAMANG HINALA

11.9K 408 40
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga umiiyak. Medyo masakit ang ulo ko. Ang huli kong natatandaan ay nakatayo ako sa likod ng isang military truck. Pati ang likod ko ay nananakit. Napagtanto ko na sa sahig lang pala ako nakahiga at katabi ng mga natutulog na tao. Kinurot ko agad ang kamay ko. Nakaramdam ako ng sakit. Pinilit kong bumangon at umupo. Unti-unting nag-sink in sa akin ang amoy ng paligid. Pinagsamang body odor at dugo ang bumabalot sa paligid.

Sa pinaka-gilid ang pwesto ko at ngayon naman ay nasa isang kwarto ako. Di ko mawari kung dati ba itong sala ng isang mansion. Sa paligid ay may mga ginagamot na mga tao at mabilisang gumagalaw ang mga kababaihang naka-puti at halos lahat sila ay may hairstyle tulad nung mga kababaihan sa movie na Pearl Harbor. Hindi ko na makayanan ang baho sa loob kaya tumayo ako at pumunta sa malapit na pintuan.

Sa labas ay napaka daming tao, parang evacuation center. Naghahalo ang mga Pilipino at banyaga sa buong lugar. But with a different scenario.

Pinagmasdan kong mabuti ang lahat, ang kasuotan, hairstyle, galaw at kung ano man ang gadgets nila. At ang konklusyon ko ay nakapag-time travel ako sa kalagitnaan ng 1900's, pero hindi ko alam ang eksaktong date ngayon. Tsaka hindi ako sigurado dahil baka hallucination ko lang ito and worse ay baka nagkaroon na ako ng schizophrenia.

Wala akong makitang naka ngiti, ang mga bata ay nasa isang sulok lang at tulala, ang ibang mga kababaihan ay tahimik na umiiyak, ang mga matatanda na nakatalukbong ay nagdarasal, ang mga kalalakihan naman ay ginagamot ang ibang sugatan at yung iba ay nagpupunas ng rifles.

"Pasensya na kung pinalo kita sa ulo kanina. Nagawa ko yun para mapadali ang lahat." Nilingon ko ang nagsalita mula sa kanan ko. Inabutan ako ni Miguel ng tasa na may lamang tubig. "Ano nga palang pangalan mo?"

Ngayon alam ko na kung bakit bigla na lang akong nagising na masakit ang ulo. Ininom ko ang tubig at lasang lasa ko ang metal. Nagsisi ako dahil ininom ko agad ito. What if magka-diarrhea ako neto?

Kumalma lang ako kasi baka lalo akong mag-freak out. "Hindi ako baliw." sabi ko.

"Ako nga pala si Miguel Arcanghel. Anong pangalan mo?" pakilala at tanong niya. Nice. Michael Archangel. Masyadong banal.

"Anong oras na at ano ang date nagyon?" pabalik na tanong ko kay Miguel.

"Date?"

"Uhm. Petsa.Taon. Tsaka anong oras na?"

"Alam ko, naturuan ako ng mga salitang Ingles. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo – hayaan mo na nga. Alas-kwatro na ng hapon. Ika-tatlong araw ng Pebrero sa taong 1945."

Tama ang hinala ko. Nakapag-time travel ako. Pero paano? Anong ginawa ko? Bakit ako? Bakit sa panahon pa ng giyera? Dapat sina Alex nalang ang naunta dito, mas matapang sila, eh. This is insane!

Tinignan ako ni Miguel ng may alinlangan at suspicion. I have to stay cool. Dapat makibagay ako sa kanila.

"Ang pangalan ko ay...Santiago Salvacion," ang pakilala ko. Santiago ang katumbas ng James sa Spanish.

"Akala ko nung una ay isa kang Kano," sabi ni Miguel. Tinignan niya ako from head to toes.

"Muka ba akong Amerikano? Pilipino ako tulad mo. Uhmm...nagpa-hair dye lang ako ng color chestnut brown," tugon ko sa kanya.

"Maputi ka, matangos ang ilong, matangkad at maayos ang damit mo, naka sapatos ka pa. Sigurado akong hindi ka mestizo at hindi ka isang ordinaryong mamamayan dito," ang sabi ni Miguel habang muli akong tinitignan from head to toes.

Suot ko pa pala ang school uniform namin na black slacks at white polo na may school seal sa left side ng kwelyo. Chineck ko ang black shoes ko. Pwede ko nang isulat ang pangalan ko sa sapatos ko sa sobrang dusty. Pinagpag ko ang namumuti kong slacks at nag-sneeze ako ng ilang beses.

"Nasaan ang pamilya mo, Santiago?" tanong ni Miguel pagkatapos kong magpagpag.

Napatingin ako sa malayo at naisip ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Ano nalang kaya iisipin nila sa pagkawala ko? Kailangan ko nang makabalik agad. NO! Hindi ko alam kung paano. Stay calm, James. Babalik naman sa lahat ang dati. Ang hirap talagang pagsabihan ang sarili ko lalo na kapag kinakabahan ako secretly.

Tinignan ko si Miguel. Kailangan ko siyang kaibiganin para hindi ako maiiwang mag-isa. I don't want to be all alone. "Miguel, salamat sa pagligtas sa akin. May tiwala ako sa'yo. . . "

"Walang anuman, Santiago. Misyon natin ang iligtas ang kapwa Pilipino. Kailangan tayo ng- "

"May kailangan kang malaman tungkol sa akin, Miguel."

"Espiya ka ba?"tanong niya nang pabulong.

"Hindi, ah. Hindi rin ako isang sundalo o guerilla."

"Sibilyan ka nga. Nakatakas ka ba mula sa Intramuros?" Back to normal na ang boses niya.

"Hindi? Hindi!"

Tinignan niya ako nang may pagdududa. "Saang ciudad o bayan ka nagmula, Santiago?"

"Dito lang din ako sa Manila. . . . pero nagmula ako sa taong 2017. That's seventy-two years from now."

"Ano?" Hindi siya mukang nagulat sa sinabi ko.

"Akala ko ba marunong kang mag-English?" Tumango siya. huminga ako ng malalim at bumwelo. "Nagmula ako sa fuuuuuture..." Pucha! Nakalimutan ko Tagalog word ng future. Ano na naman ba yun?

Hindi pa rin siya kumikibo at parang naglo-loading palang ang mga sinabi ko sa utak niya. Paano ko ba ito ipapaliwanag?

"Napanood mo na ba yung movie na-" Hindi ko na tinuloy nang may na-realize akong isang important fact. "Hmm...isipin mo na bigla kang napunta sa...sabihin natin na sa taong 1850."

"Paano? Pwede ba yun?" tanong niya tsaka tumawa.

Napakamot ako sa ulo at parang gusto ko na siyang batukan. "Ang slow mo naman. Ganito, nakatulog ka tapos pagkagising mo ay nasa ibang panahon ka na...sa nakaraan."

Naging seryoso ang muka ni Miguel. "Aaaaah...sinasabi mo na nakapunta ka sa taong 1850?"

"No! Galing ako sa taong 2017 at napunta ako dito sa taong 1945. Galing ako sa era ng mga makabagong teknolohiya at napunta ako-"

"Sandali lang. Masyado kang mabilis!"

Diretsuhin ko na nga para matapos na. "Galing ako sa taong pitong...pu't...dalawang taon mula ngayon. Tama ba?"

"Hindi ko alam sa'yo."

"Oo! Tama yung sinasabi ko."

"Mula ngayon... Gusto mo bang iparating na galing ka sa hinaharap?" tanong niya. Yun pala yun..."hinaharap".

"Oo, Miguel. Galing ako sa hinaharap."

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon