13. ANG DALAGA

6.7K 253 3
                                    


13

February 24, 1945

Patindi ng patindi ang labanan sa loob at labas ng Intramuros. Lalong dumoble ang mga nasawi. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa trauma ng kahapon at dahil sa guilt. Hindi mawala sa isipan ko ang mga muka ng mga pinatay kong mga sundalong Hapon na hindi na nagawang ipikit ang kanilang mga mata, at para bang minumulto nila ako.

Konsensya ko lang ang nagmumulto sa akin at ayaw akong patahimikin nito.

Umaga na ng makabalik sina Miguel at Andres. Nasiyahan ako dahil hindi sila napano. Ibinalita ko ang nangyari sa mga bata at kay Kap Francisco. Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila, "Pasensya na. Wala man lang akong nagawa para iligtas sila."

Napayuko ang pawisan at madungis nilang mga muka. Kasalanan ko ito! Kung hindi lang sana ako tumayo at pinanuod sila ay siguro nailigtas ko pa sila, lalo na si Kapitan Francisco na hindi ko napigilan ang pag-alis niya sa tabi ko para lapitan ang kanyang wala ng buhay na anak.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila. Tumigil ako sa isang punong kahoy at pinagsusuntok ko ito habang tuloy ang buhos ng luha sa mga pagod kong mata. Wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Nang naramdaman ko na ang sakit sa mga kamay ko ay lumuhod ako at itinapat ko ang noo ko sa katawan ng puno.

"Tahan na."

Dahan dahan akong tumayo at hinarap ko ang nagsalita sa likuran ko.

Isang dalagang morena na naka-bestida at naka-suot ng high cut na color dark brown na sapatos. Hindi siya katulad ng mga nakikita ko dito sa kampo na naka-baro't saya at karamihan ay naka-bakya lang. Sa leeg niya ay may nakasabit na rosaryo. May puting hairclip sa kanyang magulong buhok.

"Sino ka at anong kailangan mo?" tanong ko pero sa lupa ako nakatingin.

"Ako pala si Barbara Sta. Isabel. Isa ka sa mga nagligtas sa amin sa Intramuros. Salamat."

Marami kaming natulungang maka-alis sa isang gusali sa Intramuros pero hindi ko siya maalala.

May mga tinulungan ako pero hindi ko man lang natulungan ang mga kaibigan ko. Shame on me.

Nang hindi siya naka-tanggap ng salita mula sa akin ay tumalikod siya at naglakad palayo ng dahan-dahan.

-

Tanghalian na nang muli kong nakita sina Miguel at Andres. Nilapitan ko sila at tinabihan ko si Miguel.

"Kawawa naman ang sinuntok mo, Santiago," ang sinabi ni Andres nang makita niya ang pula kong mga kamay.

Hinawakan ni Miguel ang braso ko.

"Santiago, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong matapang ka-"

"Hindi ako matapang, Miguel."

"Kahit minsan hindi ko maintindihan ang mga kilos at pinagsasabi mo, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Santiago. Ang totoo niyan, pinanood ko lang ang pagpaslang sa magulang ko. Sinabihan ako ng Nanay ko na magtago sa maliit na aparador at wag na wag lumabas, nakarinig ako ng sigawan at sumilip ako sa maliit na butas sa aparador, at nasaksihan ko kung paano paslangin ng tatlong sundalong Hapon ang magulang ko. Dahil sa pagmamadali nila ay hindi na nila tinignan ang kinaroroonan ko, na siyang ikinagalak ko. Apat na taon na ang nakakalipas pero parang kanina lang nangyari. Labing-anim ako noon at hindi man lang ako lumaban, at walang nagawa ang pag-iyak ko. Sinusunod ng pamilya ko ang mga Utos ng Diyos, Tiago. Hindi ko kayang pumatay ng tao, pero dahil gusto kong maghiganti ay sumali ako sa kilusan...ngayon ay hindi ko na mabilang ang mga taong pinaslang ko. Sa bawat napapatay kong kaaway ay may napapatay rin na mga kaibigan ko. Iniisip ko na pinaparusahan ako ng Diyos at kinukuha niya ang mga malalapit sa akin pero mali ako nang malaman kong patas lang ang lahat, at ito'y dahil sa nakita kong isang sundalong Hapon na nakayakap sa isang walang buhay na tao at iniiyakan niya ito. Nagdusa ako sa pagkamatay ni Diego...halos apat na taon ko siyang nakasama sa pakikibaka sa magulong mundo at...at hindi ko akalain na matutumba lang siya sa harapan ko at mamamatay. Matapang ka, Santiago, dahil kaya mong umiyak." Namumula na ang mata ni Miguel at nakayuko naman si Andres.

"Patawad sa nangyari sa'yo, Miguel...pero hindi ko maintindihan kung bakit matapang ang isang taong umiiyak sa harapan ng iba."

Tinignan ako ni Andres at siya ang nagpaliwanag.

"Dahil hindi ka natatakot ilabas ang tunay na nararamdaman mo, Santiago. Hindi isang kahinaan ang pag-iyak at ang tunay na matapang lang ang kayang umiyak."

Ngumiti si Miguel at sinabing, "Siyang tunay."

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now