23. BILANG ISANG ALA-ALA

5.7K 233 3
                                    


23


"Kung nagugutom ka, may pagkain sa ref. Wag kang mag-alala saglit lang kami at baka makauwi kami mamayang after lunch. Salamat, James," ang sabi ng Mama ni Marcella.

"Alis na kami, James."

"Ingat kayo, Marcella. Bye."

Sinara ko ang gate at dumiretso sa kwarto ni Miguel. Nakaupo siya malapit sa bintana na nasa paanan ng kama niya at nang makita niya ako ay binati niya ako.

"Magandang umaga, Tiago. Salamat dahil pumayag ka na bantayan ako."

"Ano ka ba naman, Miguel. Syempre, kaibigan kita."

Ngumiti siya pero malungkot ang kanyang mga mata. Umupo ako sa paanan ng kama niya at pinagmasdan ko siya. Something's wrong.

"May problema ba, Miguel?" ang tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Naaalala ko lang ang digmaan. Hanggang ngayon sariwa pa rin ang alaala ng nakaraan."

"Alam mo, Miguel, sa tingin ko ay mas sariwa ang lahat sa akin. Literal na noong nakaraang buwan lang," sabi ko sa kanya at narinig ko siya tumawa ng mahina.

"Kunin mo ang kahon sa ilalim ng kama, Tiago."

Lumuhod ako at inabot sa ilalim ng kama ang isang shoe box. Medyo mabigat ito at super dusty.

"Buksan mo, Santiago," ang utos ni Miguel.

Binuksan ko ito ng dahan-dahan. Sa loob ng kahon ay may rosary at pistol na nakapatong sa isang bibliya.

"Iyan ang isa sa mga ginamit na baril ni Kap Francisco, ang bibliya at rosaryo ay dating pagmamay-ari ni Barbara. Ngayon, kunin mo ang maliit na kahon sa mesa sa tabi ng kama."

Kinuha ko ito at binuksan sa harapan niya. Isang lumang one-peso coin. Di hamak na mas malaki ito kesa sa mga coins ngayon. Halata ang kalumaan ng barya at halos kalahati nito'y kulay itim na.

"Binigay iyan sa akin ng isang Pilipinong comandante nang nagpapagaling ako. Para sa akin ay isa iyang bagay na dapat binibigyan ng halaga, hindi dahil sa pera iyan kundi dahil bigay yan ng isang magiting na tao. Santiago, kunin mo iyan bilang isang ala-ala mula sa akin," sabi niya habang tinititigan ang hawak kong barya.

"Pero, Miguel-"

"Tanggapin mo, kaibigan. Nalalapit na ang oras ko at gusto ko na magkaroon ka ng ala-ala mula sa akin at hindi lang sa memorya. Kunin mo na rin ang baril, rosaryo at bibliya. Sa ngayon, ikaw lang ang nararapat na magmay-ari ng mga ito, Santiago."

Hindi ko na napigilang umiyak. Hinawakan ko ang mga payat at nanghihina niyang mga kamay at ngumiti ako.

"Maraming salamat, kaibigan, sa lahat."

"Salamat sa Diyos dahil nakabalik ka sa henerasyon mo at ngayo'y nakakasama kita sa mga huling araw ko, at nakagagalak ako dahil alam kong hindi mo papabayaan si Marcella."

"Mangangako ako muli sa'yo na hinding hindi ko papabayaan si Marcella, at ang pangako ay pangako, kaibigan."

-

Pagkabalik ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Nilagay ko sa study table ang mga bigay ni Miguel sa akin bilang mga ala-ala. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame ng ilang minuto. Nasanay na ako na nawawalan o namamatayan ng kaibigan sa nagdaan na buwan, sana hindi ako masyadong masaktan at malungkot kung pati si Miguel ay kunin na ng Diyos. Matanda na ang kaibigan ko at pagod na...masakit man sabihin pero kailangan na niyang magpahinga sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa langit.

"Hello, bro!" bati ni Charlie na hindi ko namalayang pumasok sa kwarto ko. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. "What are those?" tanong niya at tinuro ang mga nasa study table ko.

"Mementos from a friend," sagot ko at di ko napigilang matuwa.

"From Alex?"

"No. Galing kay Miguel, a real friend."

Ngumiti si Charlie at sinabing, "Dinner's ready, kuya."

"It's been ages since you last called me kuya," patawa kong sinabi sa kanya at ngumiti siya.

"Kasi nagbalik na ang kuyang kilala ko, if you know what I mean."

"Matutuwa sina Mama at Daddy."

"Then let's join them downstairs, kuya."

This is the real me, then.

-$@q|V

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now