6. MGA BAGONG KAIBIGAN

9.5K 297 30
                                    



6

Walang nagbago sa eksena sa loob at labas ng kampo. Nahihilo ako dahil sa dami ng tao at umiiyak sa sakit. Hindi ko makita sina Miguel at Diego. Tagatak na ang pawis sa katawan ko at gusto ko na talagang mag-shower. Speaking of shower, saan ako kukuha ng sabon, shampoo at body scrub? Pati na ang toothbrush at toothpaste. Takte naman o!

Nasindihan na ang mga gasera at unti-unting lumiwanag ang dumidilim na kapaligiran. Ilang sandali pa ay may mga matatandang lalaki ang namimigay ng tinapay sa mga tao. Sumandal ako sa pader at inisip ko kung paano ang pagkaka-luto nila sa mga tinapay. Metikuloso ako pagdating sa mga pagkain at ayoko ng madumi. And I know that walang malinis na tubig rito.

I'm gonna die from starvation and dehydration.

"Salvacion..." hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Miguel. "Halika, saluhan mo kaming kumain ng mga kasamahan ko."

-

Sa isang sulok ng sirang gusali ay may mga kalalakihang naka-upo at kaharap ang bonfire. Tumigil sila sa kwentuhan nang mapansin nilang papalapit kami ni Miguel. Ipinakilala ni Miguel ang bawat isa sa kanila.

Mula sa kanan ay may dalawang batang nakatulog, sina Jose at Juan Eugenio. Si Jose ay sampung taong gulang at si Juan naman ay walo. Sa likuran nila ay si Gabriel, ang pinsan nila at ang nagsisilbing ama ng dalawang paslit na ulila sa magulang. Si Kapitan Francisco de Dilao, ang pinaka-matanda sa grupo at kasing-edad ni Daddy, ay kasama ang labin-tatlong taong gulang na anak na si Isko. Si Herrerias ang may pinaka-batak na katawan sa kainlang lahat at medyo masama ang tingin sa akin. Si Andres ay isang mestizong Intsik at sa tabi niya ay si Diego na nakilala ko na earlier.

Binati nila ako ng magandang gabi nang ako naman ang ipinakilala ni Miguel sa kanila. Umupo kami sa tabi ni Diego at inabutan kami nito ng tinapay at tasa ng tubig. Tinitigan ko lang ang pagkain at wala akong balak na kainin ito kahit gutom na ako.

"Binanggit sa amin ni Miguel ang tungkol sa iyo, Santiago," ang sabi ni Kapitan Francisco. Ibig sabihin ay pinapaniwalaan na ako ni Miguel, na siyang ikinaluwag ng damdamin ko. Finally, hindi na akong isang baliw sa kanilang paningin.

"Hindi kapani-paniwala at malaking misteryo ang nangyari sa iyo, kung ito ay totoo man."

"Totoo ang lahat. Hindi nga din ako makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat."

"Ibig sabihin ay totoo talagang may majika sa mundo," ang patawang sinabi ni Andres. What an idiot.

Nilingon ako ni Miguel at inutusan niya akong ipakita ang kwintas sa kanila.

Habang pinagpapasahan at pinagmamasdan nila ang kwintas ay inilarawan ko si Marcella na siyang may-ari ng kwintas, at ang mga naramdaman ko bago ako mahanapan nina Miguel at Diego.

Nagtinginan silang lahat sa akin maliban kay Herrerias na nakatitig lang sa apoy at ngumunguya ng mabagal.

"Santiago, maaari na may mangyari sa ikatlong araw ng Marso at posible na sa araw na iyon ay makakabalik ka na sa taong 2017," ang sinabi ni Diego. May posibilidad ngang ganun ang mangyari pero-

"Ibig sabihin ay isang buwan pa ako dito?!" Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at parang may speed metal concert sa loob ng ulo ko. Inisip ko ang mga barilan, kakulangan ng pagkain, cholera at malaria, at tiyak ko na malabo akong maka-survive. Hindi ako pessimist pero nababalot na ang utak at buong sistema ko ng takot at paranoia.

"Hindi ito pwede. Paano...paano kung...mamatay ako bago ako makabalik?"

Kinuha ko ang kwintas na ngayo'y nasa kamay ni Miguel. Tatayo n asana ako nang hinawakan ng mahigpit ni Miguel ang braso ko at napatigil ako.

"Huminahon ka, Tiago. Hindi naming alam kung papaano ka tulungan makabalik sa panahon mo sa lalong madaling panahon." Tinanggal ni Miguel ang kamay niya sa braso ko. "Sa mga panahon mo dito ay kami muna ang mga makakasama mo. Mahirap, pero kailangan mong tanggapin ang nangyari at mangyayari sa iyo."

Huminga ako ng malalim at yumuko. Pinipigilan kong umiyak at magalit. Tama si Miguel. Kailangan kong tanggapin ang lahat. I don't deserve this destiny.

"At ibig sabihin ay kasapi ka na rin sa kilusang gerilya," ang sabi ng mabilis ni Kapitan Francisco at tumawa ng mahina.

"No way! Ayaw ko! Lalong magiging delikado ang buhay ko kapag isinabak niyo ako sa mga misyon niyo. One more thing...isa pa, wala akong alam sa pakikipaglaban sa totoong buhay at hindi ko kayang pumatay ng tao."

"Lalong hindi ka maliligtas kung hindi ka lalaban, hijo."

"Dito na lang ako kasama ng ibang mga sibilyan kung saan talaga dapat ako kabilang."

"Kasama ng mga may sakit, kababaihan, matatanda, at mga bata," sabi ni Diego. Nagtawanan silang lahat at lalo ito lumakas nang sabihin ni Isko, "Wala palang mga bayag ang kabataan sa hinaharap!"

Ngayon lang ako na-insulto at napag-tawanan ng ganito.

I want to self-destruct!

A 9uQ; 

Stuck in 1945 (Completed 2017)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ