17. PANGAKO

6.1K 231 10
                                    

17

March 3, 1945

Nagising ako bago pa tumaas ang araw mula sa silangan. Tahimik ang paligid. Humina na ang labanan. Kung ito man ang huling araw ko dito ay dapat sulitin ko ito.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang university uniform ko na ibinalik ni Miguel kagabi. Ipinalaba at ipinatago niya ito sa isang ale. Nawala na ang mga medyas ko at gutom na ang aking weary black shoes.

Pinapanood ko ang sunrise nang may pamilyar na boses akong narinig sa likuran ko.

"Magandang umaga."

Tumabi sa akin si Barbara Sta. Isabel at tinignan ko siya habang tinitignan niya ang pagtaas na araw. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang kanyang muka. Natural ang kanyang ganda at simple. Hindi katangusan ang ilong pero bagay niya ito. May pamilyar sa muka niya pero hindi ko malaman kung ano.

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo."

"Santiago Salvacion."

Ngumiti siya at kuminang ang kanyang mga mata.

"Kay ganda ng tanawin na nagsisilbing maskara ng totoong reyalidad. May awa ang Diyos."

Sabay naming pinanuod ang ngayo'y nakasilip ng araw.

-

Patapos na kaming kumain ng almusal ni Miguel nang dumating si Andres sa pwesto namin na may dalang isang lumang gitara.

"Santiago, ito pala ang tanging nai-salba ko sa nasunog at gumuho naming tahanan sa Binondo at regalo ito ng isang negosyanteng Kano sa Ina ko," sabi ni Andres ng may pagmamalaki. "Buti nalang hindi ito nawala sa pinagtaguan ko nito. Kaso, hindi ako marunong tumugtog."

"May gitara ka pero hindi ka marunong, Andres naman," ang sabi ni Miguel ng patawa.

"Pahiram." Inabot sa akin ni Andres ang gitara. Sinuri ko ito ng mabuti. Para sa akin ay isa itong kayamanan dahil sa vintage ito kung tutuusin.

"Marunong kang tumugtog ng gitara, Tiago?" tanong ni Miguel.

"Tinuruan ako ng Mama ko," sagot ko at inayos ang tono ng gitara.

"Maaari ka bang tumugtog ngayon?"

"At kumanta?" dugtong ni Andres sa tanong ni Miguel.

Tumingin muna ako sa paligid ng pwesto namin at walang ibang tao sa lugar namin. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Ito ang unang itinuro ni Mama sa akin at isa ito sa mga paborito niyang kanta," sabi ko at inumpisahan kong kumanta at tugtugin ang lumang gitara.

Paalam na kahapon,

Kay layo na pala ng noon,

'di ko inakalang dadating ang umagang ito...

Parang kanina lamang nung tayo ay mga bata,

Walang kinatatakutan, sa bukas ay walang pakialam...

Iwanan man kita, nakaukit ka na sa puso ko,

Malilimot ba kita, nakaukit ka na sa puso ko, oooooh....

Paalam na kahapon,

Kailangan na ako ng ngayon.

Ala-ala mo'y ikakahon ngunit kailanma'y hindi kayang itapon...

Ooh, tila utos ng mundong mabuhay akong pasulong at wag paurong.

Patawarin mo ako kung unti-unti akong binago ng mundo....ng mundo...

Iwanan man kita, nakaukit ka na sa puso ko,

Stuck in 1945 (Completed 2017)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora