25. ANG HULING PAALAM AT ANG PANGAKO

6.6K 258 19
                                    


25


Muli, maraming salamat, Miguel. Salamat sa Diyos dahil sa maikling panahon na nakasama kita at lahat ng kaibigan natin na mas nauna sa atin, at kahit sa sandaling oras ay naging makabuluhan ang lahat. Miguel, wag mo nang kausapin ang Diyos at alamin kung bakit at paano nangyari sa akin ang mapunta sa ibang panahon, dahil sapat na sa akin na nakilala ko kayo at natagpuan ko ang tunay na pagkatao ko. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam, kaibigan ko.

Nang maihagis ko ang puting rosas sa kabaong ni Miguel habang ito'y ibinababa sa lupa ng dahan-dahan, agad akong nagpaalam kay Marcella at kanyang magulang at sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Pinuntahan ko sina sina Mama, Daddy at Charlie sa bandang likuran ng mga ibang nakilibing at sabay-sabay kaming umalis sa lugar.

-

Pagkatapos ng semester ay halos hindi na kami nagkikita ni Marcella pero keep in touch pa rin ako sa kanya sa text. Nagkaroon ako ng mga appointments sa isang psychiatrist para sa ikakabuti ko ayon sa mga magulang ko. Halos palagi nilang sinasabi na depressed ako at laging nakatingin sa malayo. Pinayuhan ako ng doctor na kailangan kong gumawa ng paraan para ilabas lahat ng nangyari at nangyayari sa akin, at sabi niya ay ako lang ang makakatulong sa sarili ko. Paano?

-

Halos dalawang buwan ang napalampas ko bago ako nagkaroon ng lakas para muling bisitahin si Marcella sa kanilang bahay. Bumaba ako sa kotse buhat buhat ang isang acoustic guitar at isang boquet ng Chrysanthemum na birth flower ng November na siyang birth month ni Marcella, at lakas loob na naglakad papunta sa kanilang bahay.

Oras na para tuparin ko ang pangako ko kay Miguel! Ang pangako ay pangako.

-

Pagkatapos ko siyang kantahan ng isang harana ay bigla siyang sumigaw.

"OO!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Anong oo?"

"Oo nga..."

"Ano ngang -?"

"Oo, sinasagot na kita, James!"

Ang bilis naman. Teka, hindi ko pa siya tinatanong kung pwede ko siyang maging girlfriend. Excited pala talaga ang mga babae at laging inuunahan ang tanong. Pero biglang lumundag ang puso ko dahil sa tuwa.

"YES! Come here," sabi ko ng malakas tsaka ko siya niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Tsaka na sa lips. Baka suntukin ako ng kaluluwa ni Miguel. Basta masaya ako ngayon.

"Pangako, Marcella, hinding-hindi kita papabayaan at lagi kitang mamahalin ng tunay...At kung sinabi kong pangako, I mean it. I love you."

Nangangako din ako sa'yo, Miguel. Hinding-hindi ko siya lolokohin tulad ng ginawa ko sa ibang mga naging kasintahan ko noon. Mamahalin ko ng buo at tapat ang magandang apo ninyo ni Barbara. Pangako.

- END -

,body:b}|l#8

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now