14. KAPATAWARAN

6.2K 233 2
                                    

14

KAPATAWARAN

February 25, 1945

Hindi ko na kayang labanan ang konsensya ko. Habang nadadagdagan ang mga bilang ng mga binabaril ko ay lalo akong nilalamon ng guilt. Napapagod na ako sa ganito. Sana makabalik na ako sa panahon ko, hindi ko na kaya...this is just a disguise and this is not right. I'm far from home and I am fighting a war.

"Santiago, malapit ka nang makabalik sa panahon mo," ang sabi sa akin ni Miguel habang kumakain kami ng almusal.

"Bakit, parang hindi ka masaya?" tanong ni Andres.

Bakit nga ba hindi ako masaya?

Hindi ko sila masagot. Binaba ko ang pagkain at tumayo ako. Mula sa kinaroroonan namin ay may grupo ng mga madre sa tapat at may nakaupong pari sa tabi nila. Naglakad ako ng dahan-dahan sa pari na parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko. Habang papalapit ako ay hindi ko mapigilang umiyak.

Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Padre, bendisyunan niyo po ako...napakadami ko na pong kasalanan at hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa..." humigpit ang hawak ko sa kanya, "Madami na po akong pinatay, Padre. Hindi na ako maililigtas ng dasal...masyado pa akong bata, Padre...at natatakot ako..."

Tumahimik ang paligid.

"Anak..." tinignan ko siya at kumikinang sa araw ang kanyang mga luha. "... mapagpatawad ang Diyos. Pagsubok lang lahat ng ito. Manalig ka at huwag mawalan ng pag-asa." Tumayo siya at itinayo niya ako. "Walang perpekto pero tandaan mo na may kabutihan pa sa mundong nababalot ng kasamaan at paghihinagpis," itinuro niya ang dibdib ko, "... at dito at sa lahat ng kaaway at masasama."

Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. "Padre, lumalaban ako para sa bansa at sa ngalan ng Diyos...pero napapagod na ako...at hindi na kaya ng konsensya ko..." Nilabas ko ang matinding kalungkutan ko at halos nahihirapan na akong huminga dahil sa pag-iyak. Ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko. "Hindi ka kailanman mapag-iisa, hijo."

-

Tahimik lang kaming tatlo nina Miguel at Andres habang pinagmamasdan namin ang apoy na nasa gitna naming tatlo.

"Ang inakala kong mabubuhay ng matagal ay ang mga bata...ang saklap ng kapalaran..." sabi ni Andres na siyang unang kumibo sa amin.

"Ganyan talaga sa oras ng digmaan, walang sinuman ang ligtas...kahit ang mga inosente," ang mahinang sabi ni Miguel.

Habang nag-uusap sina Miguel at Andres ay dinalaw na ako ng matinding antok at humiga na lang ako at mabilis na nakatulog.

Sa panaginip ko ay nasa isang fast food chain ako. Maliwanag ang paligid at tahimik. Pero bigla akong nagulat nang may marinig akong tumawa sa isang sulok. May apat na tao ang masayang kumakain at parang hindi nila ako nakikita. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at naiyak ako nang makita ko ang muka ni Mama at Daddy kasama ang dalawang batang lalaki. Dalawa kami ni Charlie. May spaghetti sauce sa mga labi at baba namin ni Charlie at tawa ng tawa. Nakangiti naman na pinagmamasdan ni Mama at Daddy ang young version namin ni Charlie habang magkahawak ng kamay. Gawa lang ba ito ng panaginip o isang memory na hindi ko na maalala...hindi ko alam. Pero nasisiyahan ako sa nakikita ko at nagkaroon ako ng pag-asa.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon