18. NGAYO'Y MAG-ISA

5.5K 215 2
                                    


18

Malapit nang lumubog ang araw. Sinulit kong pagmasdan ang ilog na pitumpu't dalawang taon mula ngayon ay punong-puno na ng basura at kulay itim. What a shame. What a waste of beauty.

Wala nang ganong tao malapit sa ilog at siguro sa mga oras na ito ay may pagdiriwang sa di kalayuan. Umupo ako sa dating inupuan namin ni Juan kung saan ko siya kinantahan. Yumuko ako at huminga ng malalim. Suddenly, bigla na lang akong lumuha.

Diyos ko, bakit napakatindi ng parusang ito? Alam kong madami akong mga pagkakamali, pero bakit ito ang naging paraan mo para baguhin ang dating ako? Binigyan mo nga ako ng mga tunay at mababait na kaibigan pero bakit kailangan mo pa silang bawiin ng maaga? Bakit ko pa kailangang makita at maranasan ang nakaraan? At bakit parang hindi mo pinapakinggan ang mga dasal ng mga tao...?

Alam ko na hindi Niya sasagutin ang mga tanong kong alam ko na ang sagot.

Nag-flashback sa akin ang mga happy memories ko nung bata ako at napangiti ako. Kung maibabalik ko lang sana. Naaalala ko ang mga panahon na kompleto kaming pamilya sa hapag kainan at nagkwe-kwentuhan tsaka nagtatawanan.

Ibalik Mo na ako sa kanila. Ibalik Mo na ako sa panahon ko. Please. Patawad sa mga nagawa ko. Bigyan Mo pa ako ng isa pang pagkakataon para magbago at maging isang mabuting anak sa magulang ko at sa bansa ko...

Nakaramdam ako bigla ng antok at humiga nalangako sa lupa at ipinikit ko ang mga mabibigat na talukap ng mga mata ko.

-

Nagising ako at nakaramdam ako ng ginhawa sa buo kong katawan. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilaw ako sa liwanag. Nasa heaven na ba ako? Hindi ko masyadong makita ang lugar dahil malabo ang paningin ko. Kung isang lucid dream man ito, sana yung hindi nightmare.

Mula sa kinahihigaan ko ay may mga naaaninag akong mga nakatayo sa tapat at gilid ko. Sinusundo na ba ako?

"Ginoo!"

"Santiago, tumayo ka nga diyan!"

"Nangako ka, Santiago..."

"Mauna na kami sa iyo, Tiago."

"Hanggang sa muli, hijo."

Napangiti ako at talagang nasiyahan ang puso ko ng marinig ko ang mga boses nila.

"Hindi ka pa pwede dito, Santiago, madami ka pang mararanasan at madami ka pang makikila...."

Unti-unting nanghihina ang mga boses at nawawala isa isa ang mga nakatayo malapit sa akin. "Maraming salamat..." at nandilim ang paligid.

;unif|9

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon