20. MGA NANGYARI

5.9K 215 5
                                    



20

March 12, 2017

Kwinento sa akin nina Mama at Charlie ang mga nangyari nang nawala ako....

Nang makauwi si Mama ng alas-onse ng gabi ay dumiretso siya sa kwarto ko para i-check ako kung naglalaro pa ako ng computer games pero wala siyang nakita sa kwarto ko. Kinausap niya si Daddy at inakala nila na baka nasa inuman na naman ako at dahil sanay na sila sa gawain kong ito ay pinabayaan nalang muna nila at balak na pagsabihan ako kinabukasan, pero wala pa ring James na umuwi sa bahay. Dahil sa pag-aalala ni Mama ay pinilit niya si Daddy na samahan siya sa Dean's Office sa university. Una nilang kinausap sina Alex at sinabi na hindi nila ako nakasama kagabi, sunod naman ay ang faculty at si Mr. Gomez ang nagsalit, sinabi niya sa huli niya akong nakita na pumasok sa library. Then, nagpunta sila sa library at ang nakita lang nila ay ang bag at ID ko. Sinabi ng librarian na nang malapit ng magsara ang library at hindi pa rin ako bumabalik sa table niya ay inakala nito nab aka hindi ko mahanapan ang librong hinahanap ko, kaya pumunta siya sa book shelf na itinuro niya sa akin pero hindi niya ako nakita dun. Nilibot niya ang buong library pero wala na daw tao at inisip niya nab aka hindi niya ako napansing lumabas at nakalimutan ang bag at ID ko. Ginawa pa akong makakalimutin. Dito na nag-panic sina Mama at Daddy. Nagtawag na sila ng mga pulis at nang wala pa rin ako after twenty-four hours ay idineklara na akong missing. Kinausap ng mga pulis ang mga malalapit sa akin sa campus at nang malaman nila ang hindi magandang ugali at gawain ko ay sinabi nila sa magulang ko na baka ayos lang ako and doing my own "business". Makapag-judge naman. Kinausap din nila ang mga nasa bahay including Charlie. Kwinento ni Daddy ang away namin bago siya umalis ng bahay, at nag-conclude ang mga pulis nab aka nag-layas ako ng bahay dahil sa ginawa ni Daddy. Nagalit si Mama kay Daddy dahil sa nalaman niya at sa mga pulis na nagsabing naglayas ako. Sabi pa ni Mama na kung naglayas ako dapat wala na ang ibang damit ko sa aparador, credit at prepaid cards, at ang phone ko. Sa mga araw ng paghahanap sa akin ay hindi pumasok si Daddy sa work at hindi siya pinapansin ni Mama. Si Charlie naman ay walang magawa dahil hindi niya alam kung ano ang maitutulong niya at dahil na rin sa busy siya sa schoolworks. Nagdaan pa ang mga araw na walang lead kung nasaan ako at kung ano ang nangyari sa akin at unti-unting nasisira ang relationship ni Mama't Daddy, at nawawalan na sila ng pag-asa na babalik pa ako sa kanila. When all hopes are beginning to fade, naka-receive kinaumagahan si Mama ng tawag mula sa isang pulis na may nakitang isang lalaki na halos tugma sa description sa akin. Kahit hindi masyadong ayos sina Mama at Daddy ay nagtungo sila sa hospital kung saan dinala ang lalaking nakita nila, which is me. Dun na sila nagyakapan ng makita nila ang namamayat kong katawan na nakahiga sa kama. Sinabi ng mga pulis sa kanila na may nakakitang batang lalaki sa akin na nakahiga sa gilid ng isang ilog at nagtawag ang bata ng tulong sa barangay tsaka nagtawag ng mga pulis at ambulansya dahil hindi maganda ang kalagayan ko, at ito'y dahil sa dehydration at fatigue.

-

Well, everything is going well. Okay na sina Mama at Daddy, at napuno muli ng masasayang pangyayari sa bahay at nagkaroon na ng time sina Mama at Daddy para saluhan kami ni Charlie sa hapag-kainan. Umuwi na si Charlie sa bahay dahil wala siyang makasama sa condo at para magkaroon daw kami ng bonding. Magmula nung maka-uwi ako sa bahay ay napansin ko ang pagbabago sa mga kilos ko. Naging masinop na ako sa gamit, hindi na ako namimili at nagaaksaya ng pagkain, and other things na hindi ko talaga ginawaga dati. Minsan natanong ni Yaya kung anong nakain ko at ang sagot ko ay tinapay. Sinabi ni Daddy kay Mama at Charlie ang pinag-usapan namin at hindi na sila muling nagtanong pa sa akin tungkol sa nangyari sa akin at tungkol sa mga kaibigan na tinutukoy ko. Speaking of friends, hindi ako binisita nina Alex at kahit isang text or chat ay wala akong na-receive. Si Raffy naman ay napadaan minsan para kamustahin ako at para ibigay ang mga notes that I've missed. Hindi tinanggap ng university ang excuse letter ko pero nakipag-usap ng maayos sina Mama at Daddy, at binigyan ako ng chance pero kailangang mai-pass ko lahat ng requirements ko at kailangan din na kumuha ako ng special quiz sa mga prof ko by Friday. This is my chance para makabawi naman ako kina Mama at Daddy.

-

Pagkatapos naming mag-simba sa hapon ay agad kaming pumunta sa isang fast food chain na paborito namin ni Charlie since we were kids. Parang yung panaginip ko dati. Habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan kami. It's Charlie's turn at habang nagkwe-kwento siya tungkol sa group of friends niya ay muling binalikan ng utak ko ang mga ala-ala ko sa taong 1945. Muli kong naalala ang mga samahan namin ng mga naging kaibigan ko sa kampo at ang mga huling sandali ko silang nakasama, ang mga pagligo ko sa ilog at pagbabawas sa toilet bowl na hindi naman talaga parang toilet bowl para sakin, ang hirap pala talaga ng naging buhay ko dun. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sensations at hindi nawawala sa tenga ko ang mga putukan ng baril at pagsabog ng mga bomba. Nakakaramdam pa rin ako ng guilt sa mga napatay ko sa labanan at parang naging multo na ng nakaraan sa akin, lalo na't gabi gabi ay napapanaginipan ko na naglalakad ako sa isang kalye na punong-puno ng mga bangkay ng tao at kasama dun ang mga katawan ng mga kaibigan ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"James!"

Nilingon ko si Daddy.

"Nakatulala ka na naman."

"Sorry, Dad."

"Guys, mamamasyal tayo after lunch," sabi ni Mama.

"Saan?" tanong ni Daddy.

"Let's go to Intramuros."

Bigla akong nanghina sa binanggit ni Mama. No,I can't go there. Baka mabaliw ako.

"Ma, we've been there already. Manood na lang tayo ng sine sa mall," ang sabi ni Charlie.

Thank you, brother!

"At wala kayong ginawa dati kung hindi ang mag-cellphone."

"But, Ma-"

"OK. Pero sa bakasyon, dito lang tayo sa Philippines. We will visit historical sites, museums- "

"Wag muna tayo mag-plano, sweetheart, baka hindi matuloy," ang biglang sabi ni Daddy. Well, may point naman siya. Tinignan ako ni Mama.

"James, alam kong ayaw mong pumunta sa mga ganitong klaseng lugar pero dapat ngayon hindi naman puro amusement parks and out of the country, naiintindihan mo?"

"Gusto ko yung idea mo, Ma. I love it," sagot ko kay Mama.

Nagtinginan silang tatlo at ngumiti na lang ako dahil sa reaksyon nila.


U93>

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now