Chapter 2 : A questionable character

16.7K 480 60
                                    

-----

Nahihilo na iminulat ni Ethan ang mga mata. Agad siyang naalerto sa kakaibang ayos na nagisingan niya.

Mula sa pagkakatihaya ay sumisigid ang lamig ng sahig sa walang damit niyang likuran. Ang dalawang kamay niya ay padipang nakabuka na tulad nang sa krus. Nakabuka maging ang dalawa niyang paa. Hindi siya makakilos. Kahit ang ulo niya ay hindi niya basta-basta mailinga.

“What do you want me to do here? You’ve done the necessary precautions.” boses iyon ng isang lalaki. Malamig ang walang emosyong tinig nito.

“I hate dispelling curses.” si El.

“You find a healer. Or gut up and do it. I won’t cross mountains again for something like this.”

Narinig niyang tila mahinang tumawa si El, “I don’t have my Sinag-araw with me. And you have a chopper. Mountain’s not a problem to you.”

Mahinang nagbuga ng hangin ang lalaki. Hindi niya mahimigan ang damdamin sa reaksyon nito.

Samantala, may tila malamig na hangin siyang nararamdamang gumagapang at humihiwa sa tiyan niya patungo sa dibdib at likuran. Sa bawat paggalaw ng hindi-nakikitang hangin ay nasusunog naman ang ramdam niya sa dinaraanan nito.

“E...El..?” tawag niya sa naninigas na panga.

Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang lumapit ang babae. Wala itong kangiti-ngiti na dumukwang sa kanya.

“You behave.”

“Wh... An..anong... nangyaya-ri?”

Tumabi kay El ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng abuhing windbreaker. Gray ang mata nitong malamig ding nakatingin sa kanya. Mukhang mixed blood. Walang emosyon sa mukha. Yet, the man emits an authoritative aura. At wala siyang maramdamang takot dito.

“S-i...no ka?” tanong niya. Nanginginig ang laman sa pagpipilit lang na magsalita.

Napatingin ang lalaki kay El, “This guy is something. I thought he would be dead by now.”

“I asked... you... Sino... ka?”

Tipid na ngumiti ang lalaki, “I was asked by a brat to dispell a curse.” sabi nitong kinuha ang isang maikling tungkod sa likod ng pantalon nito. Kulay itim ang kahoy na may pitong tubo.

Nanginginig ang talukap na nakatingin siya sa lalaking tumalungko sa tabi niya.

“Now, be a good brat and sleep.”

Dilim ang huling sumalubong sa paningin niya.

*****

Tirik na ang araw nang muling magmulat ng mata si Ethan. Hubad-baro siyang bumalikwas mula sa kinahihigaang kama. Butil-butil ang pawis niya. Agad siyang luminga sa paligid at hinanap ng mata ang lalaki at si El.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now