Chapter 3 : The enthusiast

14.1K 430 90
                                    

-----

“To hell we go.”

Hindi tumitinag si Elexa sa pagkakaupo. Nasa isang kainan sila sa kabayanan na nakatayong malapit sa pamilihan. Doon sila nananghalian ni Ethan kasabay ng dalawang pares pa ng mga customer.

“Totoo. Iyon ang kahulugan ng nasa pentagram.” busangot ang mukha ng lalaki na tila nararamdamang hindi siya naniniwala sa sinasabi nito, “Maniwala ka sa ‘kin.”

Napahalukipkip siya. Maaari niya itong paniwalaan. Pero mahirap. Nakapagtatakang kaya nitong basahin ang nasa pentagram samantalang hindi niya naiintindihan ni isa mang simbolo o titik doon.

“Who are you? What are you?” usisa niya. Alam niyang nakakunot ang noo niya.

“Ano? Wala man lang bang sinabi sa’yo si Lola Alice?” balik-tanong nito.

Hindi siya agad nakaimik. Nang ‘ipatapon’ siya ng Lola niya sa baryo, ang tanging sinabi nito ay ipatatapon siya sa baryo. Iyon lang. At titira raw siya sa isang malaking bahay na pagmamay-ari ng kaibigan na matagal na nitong hindi nakikita - si Alfredo Arcanghel. Isang bahay na kasalukuyang pinamamahalaan ng apo nito na si Ethan.

“I am asking you.”

“Apo ako ni Lolo Alfred na kaibigan ni Lola Alice. Si Lolo, maraming libro. Kasama na ang aklat ni David, Solomon, Moses, Abraham at iba pa. May isang aklat na tungkol sa mga simbolo ng diyablo.”

Kumunot na naman ang noo niya. Wala naman siyang maramdamang masama kay Ethan at malamang na wala naman siyang dapat na ipag-alala lalo pa nga at apo ito ni Lolo Alfred pero -

“E ikaw? Paano mo nalaman ang mga nangyari sa Crime Scene kanina? At bakit ipinatawag ka pa nina Major?”

Tiningnan lang niya ito. Wala siyang balak na sagutin ang lalaki.

Sa halip ay sinabi niya, “Tapos ka ng kumain? Tara na dun sa bahay na sinabi mong pupuntahan natin.”

Kumunot ang noo nito at matamang nakatingin sa kanya. Halatang hindi nagustuhan ang pag-iwas niya.

“Paano mo nalaman ang mga nangyari sa Crime Scene kanina? At bakit ipinatawag ka pa nina Major?” tanong nito sa parehong tono ng boses.

“Is that a requirement? Kailangan ko bang sagutin yan?” tanong niya.

Uminat ito at nag-relax sa pag-upo, “Ang sarap magtagal dito at magpalipas ng hapon. Tamang-tama, mag-aalas dos na. Kaunti na lang, oras na ng siesta.”

Nagbuga siya ng hangin bilang pagsuko, “I have an ability that might be of help to them.”

“Gaya ng?” kumikislap ang mata na tanong nito.

“Malalaman mo rin.”

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now