Chapter 13 : To hell we go

8.2K 367 13
                                    

A/N : Pasensiya na sa mga naghihintay sa updates ng kwentong ito kung natatagalan at nade-delay. I'm extremely busy kaya nahihirapan akong maisulat ang mga kasunod na chapters sa isang upuan lang. Naniningkit na rin ang mata ko dahil excited na akong isulat ang ending nito... yet not permissible by time. Anyways, Happy Reading po!

-----

November 17, 2013. Alas cinco y medya ng hapon. May usok na nagmumula sa mga kusina at mahihinang ingay ng radyo at telebisyon mula sa mga kabahayan sa parteng iyon ng Albay. Mapula ang langit sa takipsilim. Kasingpula ng nagmamantsang dugo.

While everyone was busy doing afternoon chores, preparing dinner, watching the sunset... some (who were thought to be napping) woke up and prayed: Diabulos. Accipe me.

*****

“Elexa...” si Lola Alice iyon. Nakaupo ito sa paborito nitong tumba-tumba at nakasilip sa malaking bintana sa kanan nito.

 

“Ano?” angil ng anim na taong gulang na si El habang paluhod na nakaupo sa harap ng matanda.

 

Ngumisi ang lola niya. At bago niya pa maitanong ang kahulugan ng ngisi nito ay lumipad ang isang maliit na kawali at tumama sa likod niya.

 

“I always tell you to watch your back.” umiling-iling ang lola niya, “You have to learn to keep your eyes open in front of you and at your back.”

 

Ngumuso siya habang hinihilot ng kaliwang kamay ang nasaktang likod. Pang-anim na ulit na siyang sapul sa likuran sa isang buong umaga pa lang.

 

“And I always tell you to be a little smarter than you already are. You’ve been tricked. When are you going to wake up?”

 

Napatanga siya sa lola niya. Anong itinatanong nito e gising na gising naman siya?

 

Pumalatak ito. Marahang umiling habang unti-unting nagbabago ang mukha. Mukha ni... Ethan!

Pasinghap na bumangon si El mula sa pagkakataob sa sahig. Nilinga niya ang paligid. Madilim ang silid-tulugan na nagisingan niya - nababakbak ang pintura ng dingding, nababakbak ang kahoy na kisame at nilulumot ang sahig. Sa hangin ay laganap ang amoy ng lumot, amag at nabubulok na katawan. Naaaninag niya ang kama na kinahihigaan ng nagtutubig at naaagnas na katawan ni Jonathan. Wala na ang maitim na pwersa sa buong kabahayan. Ang naiwan doon ay presensiya ng mga nilalang na nabubuhay at kumakain sa masamang enerhiya at sumpa na naiwan ng kalaban sa silid. Sila ay maliliit at maliliksing anino na umaangil sa dilim. Abandonado na ang bahay. Ang naiwan doon, ayon sa nararamdaman niyang esensiya ay apat na patay na katawan ng mga mortal.

Nang tumayo siya ay gamit ang paa na inuyog niya ang nakataob na si Kiel. Masakit ang ulo niya at kailangan na nilang umalis. Nakapikit itong tumayo. Nakapikit pa rin nang magtanong.

“Bakit?”

“We have to go back to the town.” sagot niya.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now