Chapter 9 : The Stealer

9.1K 355 10
                                    

-----

“Tawa pa.” matabang na sabi ni Kiel kay El.

Namamangha si Ethan sa pagtatawa ng babae. Akala niya ay iisang mukha lang mayroon si El para sa lahat ng damdamin. At akala niya ay laging hilaw ang facial expressions nito. Kalahati kapag kukunot ang noo - hindi yung klaseng talagang gusot na gusot at may linya sa noo nito. Kalahati kapag ngingiti - kumikibot lang at hindi yung tipong nababanat talaga ang labi nito. Kalahati kapag tatalas ng tingin at magbabanta - maganda pa rin ang mukha kahit ipinapako sila. Pero ngayon, sa pagtatawang ginagawa nito kay Kiel, pulang-pula ang mukha nito at naluluha pa. Nag-i-echo rin ang pabalik-balik na ‘hahaha’ nito sa buong bahay. Wala sa loob na nakuha niya ang S5 mula sa bulsa at nag-click.

At mabuhay! Nakunan niya ng litrato si El at -

Nawala sa mga kamay niya ang S5. Wala pang ilang segundo ay bumalik iyon sa kamay niya. Burado na ang litrato ni El.

“El naman...”

Napapalunok ang babae at nagpahid ng luha. Saka ito tumikhim at seryosong tumingin sa kanya, “Ayokong kinukuhaan ako ng picture kapag tumatawa ako.”

Natahimik ang silid-kainan. Kung may makikiraang daga o kahit alikabok ay siguradong maririnig dahil sa biglaang pagseryoso ng babae.

“Ready to map, Stealer?” untag ni El kay Kiel.

Nakasimangot pa rin ang lalaki. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang bago nitong pangalan.

“Wala akong gana.” parang batang sabi nito.

“Sige na, Stealer. Gusto kong makita.” excited na sabi niya. Bibihirang pagkakataon na may kasama siyang Exorcist at Stealer sa bahay. Kasing-edad niya pa!

Hindi kumibo ang lalaki. Sinalaksak nito ng sapin-sapin ang bibig.

Pumalatak si El, “What else do you want us to call you? Ha, Stealer?”

“Seeker ako. I’m not some mere thief or stealer.” nakangusong sabi ni Kiel.

Isa sa tatlong uri ng Keepers o tagapagbantay ang mga Seekers o mas kilala sa tawag na Knights. Hindi tulad ng mga Guardians na may pinangangalagaang Drifters o ng mga Gatekeepers na may binabantayang mga portal, ang mga Seekers ay nangongolekta at nangangalaga sa mga makakapangyarihang kagamitan o agimat. Dahil sa isang sikat na Seeker ay napalitan ng Stealer ang katawagan sa mga ito. Pero base sa reaksyon ni Kiel ay hindi nito gustong matawag na Stealer.

“He might be bluffing. Maybe he can’t map a large area.” nagkikibit-balikat na sabi ni El.

“Hindi naman siguro... di ba, Kiel?” salo niya. Nahihimigan niyang inaasar lang ni Exorcist ang lalaki.

Umasim ang mukha ni Kiel, “Zip it, Exorcist.”

Seryoso na ang babae ng magsalita, “Then map for me.”

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora