Chapter 15 : The Exorcist

9.7K 383 19
                                    

A/N : Omo! The battle is here! Happy Reading! ;)

-----

Maitim ang langit. Naghahalo ang dilim at pulang tila kulay-dugo sa makapal na ulap na nakabalot sa kalangitan. Dumadami ang mga tinig na nananaghoy at humihingi ng saklolo. Ang dati ay tahimik na nayon, unti-unti nang nagiging isang malaking balon ng nagbabagang apoy. Parang umangat ang impyerno at lumitaw mula sa buka at bitak ng lupa. Habang kumakalat ang dilim sa kaitaasan, siya namang pag-aapoy at pagkulo ng kalupaan.

Lahat ng mga tao na kanina ay nagtatakbuhan sa takot ay nakahinto na at nakatingala sa langit. Sa paligid ay naririnig ang mahihinang halakhakan, hagikgik, pag-iyak... at mga tinig na nananalangin. Nagsisimula na ang ritwal.

Mula sa limang panig na punto ng dambuhalang pentagram, may mga nilalang na unti-unting bumabangon mula sa ilalim ng lupa.

Sa unang sulok, bumuka ang lupa at dalawang kamay na nagdudugo ang pulsuhan ang kumapit doon. Itinaas nito ang maliit na katawan at dahan-dahang tumayo. Hubo’t hubad ito at nangingintab ang dugo na nakabalot sa buong katawan.

Sa ikalawang sulok, bumuka ang lupa at marahang umahon ang malaking katawan ng isang babaeng may puting-puting balat.

Sa ikatlong sulok, pagapang na umahon ang isang nagtutubig na katawan.

Sa ikaapat na sulok, umitsa paitaas ang isang pilipilipit na katawan.

At sa ikalima, marahang lumakad paangat ang isang buntis.

Sa paglitaw nila, isang babaeng buto’t balat at may mahahabang galamay ang palipad-lipad. Parang nagbabantay ito sa pagbangon ng mga katawan. Malalaki ang apat na mata nito, matutulis ang ngipin at umuusok ang bibig. Mapula ang balat nito. Dala nito ang matitinis na hagikgik.

Isa-isa, tumingala ang mga katawan sa mapulang buwan. Lumakas ang halakhakan, lumakas ang panalangin, at nakapangingilabot ang iyak at panaghuyan.

Sa gitna ng malaking apoy at nagbabagang lupa, nakapikit ang nakaupong si Ethan at nananalangin. Mabibilis ang kibot ng labi nito sa pag-usal ng mga oraciones. Tumatawag ito ng iba’t ibang pangalan. Tumatawag ito ng mga kasamahan mula sa kadiliman.

Ito ang gabi na matagal na nilang hinihintay. Ito ang gabing sasakupin nila at ipakikilala sa lupa ang kaharian ng dilim. Nararamdaman ng nananalangin ang kahandaan ng mga alay. Kailangan na lang na tapusin ang ritwal at -

Mula sa kaitaasan ay lumagos ang isang bilog na liwanag! Napamulat ang kalaban nang maramdamang nakatutok sa leeg nito ang kahoy ng Sinag-araw.

“Hello, fanboy.” madiin ang mga salita na bulong ni El. Nasa likod siya ng nakaupo na si Ethan, “We have unfinished business.”

“We do?” tanong ng lalaki. Anim na magkakasamang tinig ang nasa boses nito.

“I am going to stop you.” sabi niya rito. Empty threat. Alam niyang alam iyon ng kalaban.

“Nakakatawa ang sinasabi mo.” sabi nito.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now