Chapter 8 : Common Points

9.3K 397 32
                                    

A/N : Info rain ahead! Maghanda po ng tissue or maghinay-hinay sa pagbasa para sa inyong kalusugan. Happy Reading! :)
-----

Higit sa inaasahang suntok ay hubad-barong nakapako sina Ethan at Kiel. Nakadipa sila sa likod ng bagong gising na si El na nakaupo sa uluhan ng mahabang mesang kainan at humihikab. Nakasimangot ang dalawa. Nagsisimula nang mangitim ang kaliwang mata ni Kiel habang dumudugo naman ang ilong ni Ethan.

“Bakit pati ako, El? Wala akong ginawang masama sayo.” reklamo ni Ethan.

“Shut up.” sagot niya. Dinig niya sa tono ng lalaki na nakanguso ito, “And don’t pout like a baby.”

Umurong ang matulis na nguso ni Ethan. Humihikab naman si Kiel sa tabi nito.

“You have to admit that you rested well after that, stubborn.” pumalatak si Kiel, “And I did you a favor by getting what you need.”

Matalim ang tingin na nilingon niya ang dalawa.

“Saka, may ginamit ka bang orasyon? Ang lakas mo sumuntok.” si Kiel pa rin.

“Kiel, tabingi ba ilong ko?” tanong ni Ethan sa katabing lalaki. Naduduling ang mata nito sa pagsisikap na matitigan ang ilong na nagdurugo.

Matagal bago nakasagot si Kiel dito, “Parang... hindi naman. Masyado.”

Malaking letrang ‘O’ ang mata at buka ng bibig ni Ethan bago napatingin sa kanya, “El naman. Walang balian ng ilong.”

Napapikit siya sa asar sa dalawa. It felt like a circus.

“Nagpapatawa ba kayong dalawa? Hindi n’yo naiintindihan kung gaano ka-delikado ang ginawa n’yo?”

Tahimik ang dalawa. Nagtinginan.

“Pero kung hindi ka magpapahinga, paano ka haharap sa kalaban? Ikaw mismo ang nakakaalam kung gaano kadelikado ang trabaho mo, di ba? When you need to rest, you have to rest.”

Muntik tumaas ang kilay niya sa sinabi ng fanboy. Tumatango naman si Kiel ng pagsang-ayon dito.

Sinulyapan niya ang wristwatch: alas nueve ng umaga. Napahaba ang tulog niya. She rested well enough and she felt recharged. Kahit na pinanghihinayangan niya ang lumipas na oras, aminado rin naman siya na nakatulong ang pahinga sa kanya. She saw five bodies in a day. She walked at five different infected areas in a day. Totoong na-drain ang enerhiya niya.

“At hindi mo kailangang mag-alala. May mga panangga at proteksyon na itinanim si Lolo sa bawat kanto ng bahay kaya hindi tayo masasalakay dito.” dagdag pa ni Ethan.

“He’s right. Imposibleng hindi mo naramdaman kung gaano katindi ang depensa ng bahay na ito.” kumindat pa si Kiel sa kanya.

Alam niya rin iyon. Kaya naguguluhan siya sa pagkatao ng fanboy at sa pagkatao na rin ni Lolo Alfredo. Ni minsan ay hindi naikuwento ng Lola Alice niya kung ano ang abilidad na mayroon ang lolo ni Ethan.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now