Chapter 4: Possession

10.5K 427 48
                                    

A/N: Sorry guys kung natagalan ang update ng isang ito. Medyo nag-hibernate at na-depress ang writer. Haha. But I am okay na so update-update na uli. Salamat sa inyong paghihintay! Happy Reading! :D

-----

 “In Nomine -”

“Shhhh...” nakatapat ang hintuturo ni Ethan sa labi nito. Nakangisi ang lalaki sa kanya, “Can’t we chat a little? What’s the rush?”

Nagtagis ang ipin niya.

“Come on... little Elexa. Feel at home. Let’s talk...” anitong lumalakad palapit sa paanan ng papag kung saan naroon ang pentagram. Hindi kaya -

Nang malampasan siya nito ay mabilis niyang dinamba ang lalaki. Padapa itong bumagsak sa pulang sahig habang nakasakay siya sa likod nito. Umusal siya ng maikling orasyon at itinutok ang dulo ng krus sa tuktok ng ulo nito. Imbalido na ang katawan ng lalaki. Hindi ito makagagalaw hanggat nakaamba ang krus sa ulo nito. Ganun pa man, wala itong tigil sa paghagikgik.

“You better leave this guy alone or I will have to -”

Pumalatak ito, “Impatient as always! Bakit? Busy ka ba?!”

Mahigpit niyang hinawakan ang krus, “I’m not in the mood for chat. Or jokes.”

“You know....” umiling-iling ito, “You can’t win against me with just using that cross. You need your Sinag-araw at least. Or your Sinukuan. Then, you will have your Kastigo. And then... saka pa lang yang Krus.” nakangisi ito, “S-O-P, my dear!”

“Oh... you aren’t scared by this anymore?” kalmadong tanong niya bagamat may diin sa bawat salita.

“Just saying.”

Totoo ang sinasabi nito. Base sa bisa ng pamamaraan nito na angkinin ang katawan ni Ethan, malakas itong uri ng diyablo. At sa malalakas na uri ay hindi basta uubra ang kakayahan niya kung ang gamit lang na mayroon siya ay ang krus niya. She should have brought her Sinag-Araw and Sinukuan with her. She should have been more prepared. Lalo na at may kasama siyang mortal na fanboy na walang alam sa pagproteksyon sa sarili nito.

Bumigat ang hangin sa silid. Unti-unti ring nilalamon ng dilim ang dingding, ang kisame at maging ang maliit na liwanag na naglalagos sa saradong bintana. She could hear frogs croaking. Kahit na wala siyang nakikita. At naririnig niya ang pag-ugong na mula sa ilalim ng lupa.

“You see... I don’t go unprepared. Unlike our Exorcist here. I never... appear unprepared!” malagong ang boses na nagmumula kay Ethan.

“I don’t care.”

“You cannot do anything against me now.”

Patuloy ang pagdilim ng silid. Patuloy ang pag-ugong ng lupa. At namumula ang mata ng laksa-laksang palaka na unti-unting lumilitaw sa silid mula sa dilim. Those were bad signs. She should finish fast but -

“I see...” Ethan made a croaky laugh, “You also notice...”

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now