Chapter 5 : Allies or Enemies

10.2K 416 89
                                    

A/N: Natagalan sa pag-update dahil nakatutok po ako roon sa RomCom ko na malapit nang matapos. But here it is, everyone! Salamat po sa suporta! Enjoy Reading! <3

-----

“Anong nangyari rito?” tanong ng may-ari ng bahay na humahangos na dumating, “Nakarinig ako ng sumisigaw!”

Nakaakbay kay El ang walang-malay na si Ethan at palabas na sila ng maliit na silid.

“Nahimatay itong kasama ko.” sagot niya.

May pag-aalala sa mukha ng may katandaang ginang nang mapatingin ito sa lalaking bitbit niya.

“Ayos lang ba siya? Dadalhin ba natin sa doktor?”

Umiling lang siya, “Hindi naman ho kailangan. Magkakamalay din ito mamaya. Wala kayong dapat alalahanin.”

Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

“Ang dapat n’yo hong alalahanin ay itong kuwarto ng anak ninyo.” simula niya, “Maraming masamang elemento ang naipon sa loob ng kuwarto. Siguraduhin n’yong laging nakakandado para walang kahit na sinuman ang makapasok sa loob.”

Nakatanga ito. Waring nagtataka sa mga sinasabi niya.

“May gumagamit ho ba ng kwarto na ito ngayon?”

Umiling ito, “Wala naman pero... bakit? Anong masasamang elemento? Bakit kailangang walang makapasok? Ang sabi ng mga pulis nang matapos mag-imbestiga, pwede na raw linisin ang kuwarto.”

“Naniniwala ba kayo sa demonyo?” diretsong tanong niya.

Namutla ang mukha ng matandang babae at napahawak ito sa laylayan ng suot nitong kamiseta.

“Bakit? Ba... kit mo naitanong?”

“Kinuha ng demonyo ang anak ninyo.”

Sandali silang natigil ng ginang at nagtitigan. Parang hinahanap nito sa mata niya kung nagsasabi siya ng totoo.

Nangatal ang labi nito bago nagsalita, “Iyon din ang sabi ni Heidi. Paparating daw ang demonyo para kunin siya.” mabilis itong lumapit sa kanya at humawak sa kamay niya, “Nasaan ang espirito ng anak ko? Namatay ba talaga siya, ha? Anong pwede nating gawin?”

Nangingintab ang malaking mata ni Aling Amara na parang iiyak. May pakikiusap din na mababasa roon.

“Ikandado nyo ang kuwarto at siguruhin na walang kahit na ano o kahit na sinuman ang makakapasok sa loob o kahit makakasilip man lang. Hindi ko alam kung nasaan ang espirito ang anak ninyo sa ngayon pero sisiguraduhin ko sa inyong aalamin ko kung ano ang totoong nangyari sa kanya...” nagpakawala siya ng buntong-hininga, “At babalik ako para linisin ang kung anumang sumpa ang naiwan sa kuwarto niya. Kaya wag kayong mag-alala.”

Alanganin itong tumango sa kanya at dahan-dahang napabitaw.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now