Epilogue

9.2K 420 81
                                    

A/N : Yey! Epilogue na!!! Do tell me what you think ha??? Plith? :D

-----


Nakanguso si Ethan habang nakaupo at nakatanaw sa labas ng malaking bintana ng silid-aralan. Unang araw ng pasukan. Anim na buwan na ang nakalipas mula ng parang panaginip na makilala niya si Elexa Sangre na isang Exorcist at si Ezekiel Coronado na isang Stealer. Anim na buwan na rin mula nang malaman niyang isa siyang Priest.

Cool na sana. Pero sa loob ng anim na buwan ay nawalang parang bula sina El at Kiel. Kinaumagahan nang matapos ang gabi ng ritwal ay normal siyang nagising sa sarili niyang kuwarto. Walang bakas nina Exorcist at Stealer. Wala ring bakas ang baryo sa malagim na kaganapan ng gabing nagdaan. Maagang nagising ang mga tao - nag-araro at nagtanim ang mga magsasaka, namalengke ang mga ginang, pumasok sa eskwela ang mga kabataan. At siya ay parang namamalikmata sa nagisingan.

Kung wala roon ang Lolo Fredo niya na sinigurong totoo ang mga naganap ay hindi na sana siya maniniwala. Ayon dito ay dinala nina Lola Alice si Elexa dahil nag-aagaw-buhay ito. Puno ng lason ng ahas at linta ang buong katawan nito at butas ang sikmura. Siya man ay may sugat sa sikmura na mabilis na naghilom. Si Kiel naman ay sinundo raw ng Lolo nito dahil walang permiso ang pag-alis nito sa bahay. Ang lahat ng bakas na naiwan ng possession at ng kalaban ay nilinis ng isa raw na kasamahan ng mga ito.

Ipinagtanong niya kung may nakakita ng katawan ng batang bubuhayin sa ritwal - ang anak ng diyablo. Pero hindi nagkomento ang lolo niya. Ang tanging sinabi nito ay hindi ito ang nakatoka na paghanap niyon. At nang itanong niya kung paano siya magiging magaling na Priest, kung ano ang mga astig na gamit niya at kung anong mga orasyon ang aaralin niya, binambo siya nito. Pagkatapos bambuhin ay saka ipinaliwanag sa kanya kung paanong ang Sinukuan ay isang kahoy na gamit ng mga gaya niyang Priest. Nang tanungin naman niya kung saan nakatira sina El at Kiel para madalaw niya, binambo uli siya. Nang tinanong niya kung pwede ba siyang mag-aral ng kolehiyo sa lugar kung nasaan si El, binambo siya ng mas malakas. At binambo siya ng walang humpay nang itanong niya kung bilang isang Priest ba o Pari ay hindi siya pwedeng mag-asawa. Pero nakuha naman niya ang sagot - pwede naman daw.

Itinanong niya rin kung paano nangyaring nagamit ng kalaban ang katawan niya kung nasa lahi naman pala siya ng mga Priest. Ang sabi ng lolo niya ay dahil daw iyon sa pagkawala ng Selyo. Ang unang possession daw ay ginawa lang ng diyablo para tanggalin ang selyo sa katawan niya. At dahil inosente siya sa sariling kakayahan, nang mawala ang selyo na pamigil ng abilidad niya ay nawalan din siya ng depensa sa maaaring gawin ng kalaban sa kanya. At sa una pa lang ay nasa isip na ng kalaban na gamitin ang katawan niya sa pagsasagawa ng ritwal. Kaya naman nang mawala ang selyo niya ay mabilis na ring kinuha ang tatlong natitira pang alay para mabilis ding mapaalis sa bayan at mapatulog sina Exorcist at Stealer. At nang maisagawa ang preparasyon ng ritwal ng walang anumang sagabal.

Sa loob ng anim na buwan ay batas-militar siyang tinuruan ng Lolo niya ng mga kakayahan ng isang Priest. At binambo ng makailang-ulit. Hindi niya alam kung buhay ba si El. Pero dahil Exorcist ito, ipinagpapalagay niyang hindi ito mamamatay nang ganun na lang. Kung hindi man ito sumasagot sa mga pakikipag-usap niya sa isip, ipinagpapalagay naman niyang baka mahina ang ‘signal’ nilang dalawa.

Bumagsak ang nguso niya at yumupyop siya sa armchair ng upuan. Gusto niyang makita si Exorcist. Gusto niya ng mas maraming adventure. Gusto niyang maging kapareha ito sa mas marami pang kaso. Gusto niyang -

“Good morning, class.”

Napatingin siya sa harapan. May isang maliit na babaeng nasa puting pisara at may hawak na whiteboard marker. Tinatamad siyang nakatingin dito. Isinulat nito ang pangalan : Ms. Ayen B. Cunanan. Class Adviser at Propesor sa unang subject nila bilang freshmen ng kursong Education.

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now