Chapter 11 : The Host

9.3K 360 30
                                    

A/N : Pasensiya na po kung matagal bago ako nakakapag-update. Medyo naging busy ang writer. Hehehe. Anyways, last 2 - 3 Chapters na lang po at Conclusion na tayo! Happy Reading! 

-----

Nakapikit si El habang nakaupo sa backseat ng kotse katabi si Ethan. Nasa driver’s seat naman si Kiel at nakasimangot sa pagkaka-ambush bilang driver.

Dalawang oras na silang nakatambay doon. Mula sa baryo ay sinundo sila ng isang chopper at nagtuloy sa malaking bahay nina El sa lalawigan ng Rizal. Mula naman doon ay gamit ang kotse na nagtungo sila sa isang subdibisyon sa Makati kung saan nakatira ang Senador na pakay nila.

Alanganing nakatingin si Ethan kay El. Hindi kasi niya alam kung tulog ang babae sa pagkakapikit nito o nag-iisip.

“Why do you keep staring?” untag ni El na iminulat ang isang mata at patagilid na sumulyap sa kanya.

Nagbara ang lalamunan niya sa tanong nito, “Akala ko kasi tulog ka.”

“And if I am..?”

Blangko. Nangalawang ang utak niya. Ano nga naman kung natutulog ito? Napakamot tuloy siya sa ulo.

Tumalas ang mata ni El, “I can feel him coming. Ihanda mo na ang Lagpasan, Kiel.”

Inabot ni Kiel ang backpack nito na nasa katabing upuan at inilabas ang nakaikid na baging ng Lagpasan. Muntik tumulo ang laway ni Ethan nang kumindat ito sa kanya. Pero hindi pwedeng makita ni El kaya pasimple niyang itinikom ang bibig. Excited siyang makita ang bisa ng Lagpasan mula pa nung dapat na gagamitin nila ito sa Crime Scene.

Walang-imikan na bumaba sila ng sasakyan. Ang kaharap nila ay ang matayog na firewall sa likuran ng isang malaking bahay.

“Ready?” tanong ni Kiel sa kanilang dalawa.

Tumango siya. Mabilis ang tibok ng puso niya sa excitement. Hawak ang baging ng Lagpasan ay pumikit si Kiel at tahimik na gumalaw ang mga labi. Umuusal ata ito ng isang maikling panalangin. Habang gumagalaw ang labi nito ay marahan namang iniikot ang baging sa pagkakahawak nito - tulad ng pag-ikot ng beads ng rosaryo habang nagdadasal. Seryoso ang mukha ni Kiel nang magmulat. Magkasunod na tinapik nito ang kanang balikat nila ni El.

“May tatlumpung minuto tayong lagpasan sa lahat ng pinto, bala at patalim. Pero pagkatapos nun, dalawang oras na mawawalan ng bisa ang gamit ko.”

“That’s enough time, Kiel.” si El.

Bumaling sa kanya si Stealer, “Ready?”

Tumango siya. At bago pa niya maihanda ang puso niya ay nauna nang lumagos si El sa konkretong pader! Napalunok siya habang pumapalatak si Kiel.

“Tara! Bilis!” saka mabilis din itong nilamon ng pader.

Napakurap-kurap siya. Nagtayuan ang balahibo niya. Totoo na ito! Talagang lalagpas siya sa pader! Pero kahit nakita na niyang nawala roon ang dalawang kasama, sa paningin niya ay matigas at konkreto ang firewall. Kung sana ay may special effects iyon na tila naging likido o di naman kaya ay yung parang portal o blackhole, mas madali sigurong maipoproseso ng utak niya ang posibilidad ng paglagos. Pero dahil magaspang at bahagyang nilulumot ang kaharap na konkreto, tumututol sa gagawin niya ang lohikal na parte ng isip niya. Paano kung sina Stealer at Exorcist lang ang maaaring lumagos doon? Paano kung walang bisa sa kanya ang Lagpasan? Hindi ba at nang nasa ospital sila ay parang may nakikita ang dalawa na parang inaasahan ni Exorcist na nakikita niya rin? Na sa kasamaang palad ay hindi niya nakikita?

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Where stories live. Discover now