Chapter 6 : Victims

11.1K 365 22
                                    

A/N: Kung sakaling magulo po, let me know. And pasensiyahan nyo na ako at may sakit ang writer. :)

A/N: (Jul. 26, 2014) Revised dahil bongga ang typos at gulo ng construction ko nung binasa ko. Hahaha. Love and peace! :)

-----

 “Wow! Ang astig! Sinag-araw yan, di ba?” malapad ang ngiti ni Ethan nang magsalita. Mabilog ang mata niyang nakapako sa maliit na tungkod ng Sinag-araw na nakasuksok sa bulsa ng windbreaker ni Elexa.

Nagkatinginan sina Elexa at Ezekiel. Walang emosyon ang mukha ng babae na inayos ang pagkakasuksok ng kahoy sa bulsa. Napangisi naman si Ezekiel sa kanya.

“Sinag-araw nga yan. Dinala ko para kay Exorcist.” umakbay pa si Ezekiel kay Ethan bago hinugot ang baging ng Lagpasan sa sukbit nitong backpack, “Ito naman Lagpasan.”

Namilog uli ang mata niya at parang naglaway pa sa nakaikid na baging na iwinawagayway sa harapan niya, “Ang cool! Lagpasan! Gagamitin ba natin yan ngayon?”

“Pwede. Kung papayag si Boss.” ani ni Ezekiel na sumulyap sa wala pa ring emosyong si Elexa. Napapalatak ito sa babae.

“Pwede ko bang kunan ng -”

Napatigil si Ethan ng makaramdam ng malamig na hangin. Nakatitig sa kanya si El at kahit na hindi matalas ang mata nito ay nararamdaman pa rin niyang nagbabanta ito. Kusang naputol ang sasabihin niya at nag-freeze sa hangin ang S5 na hawak.

“Bakit hindi n’yo subukang tumahimik habang naghihintay tayo?” sabi ni El. Humalukipkip ito at tumuwid ng tayo mula sa pagkakasandal sa sariling motorsiklo.

Nilunok nila ang protesta sa babae. Nabitin ang kamay ni Ezekiel na may bago sana uling ibibida kay Ethan mula sa backpack nito. Pumalatak ang lalaki at ngumiwi. Saka dalawa silang sinundan ng tingin ang tinitingnan nito. Nasa harap sila ng isang bahay na gawa sa semento at kahoy at ngayon ay napapalibutan ng dilaw na tape - ang Crime Scene. Labas-pasok ang mga pulis habang nagkalat ang mga usisero sa paligid. Nagbubulungan ang mga tao. Nagbubulungan ang mga pulis. Nagpa-flash ang camera sa loob at labas ng bahay. Nagkakamot ang ilang naka-uniporme sa pagpapaliwanag sa maputing lalaking palakad-lakad na tinatawag na Major. At sila? Invisible sila sa mga panahong iyon sa tulong ng Siete Virtudes na gamit ni Ezekiel. Naghihintay sila sa paghupa ng tao bago kumilos.

“A...” kinalabit ni Ethan si Ezekiel, “Gamit mo yang Siete Virtudes, di ba?”

Tumango ang kinalabit at iwinagayway ang tila patpat ng itim na kahoy.

“E... ang sabi mo, Healer ka, di ba? E Guardians ang gumagamit niyan, di ba?” nagugulugang tanong uli niya, “May nakita akong Guardian na mas astig yung Siete Virtudes kaysa sayo.”

Napasimangot ang kausap sa sinabi niya, “Guardian na mas astig ang gamit kaysa sa akin?”

Bilog ang mata ng fan boy nang tumango, “Oo. Ang galing nga niya e tapos -”

“At hindi ka naniniwala na Healer ako, tol?”

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora