Chapter 10 : Bad Omens

9.6K 368 16
                                    

-----

Siyam na tao ang nakabitin sa ere at nakadipa ng hubad-baro sa labas ng isang malaki pero lumang kiskisan. May sampu pang ipinako ng ritwal sa katabing imbakan ng palay at anim pang nasa main warehouse. Tahimik ang paglakad ni Elexa papasok sa kiskisan. Nakikita niya na nakanganga sina Kiel at Ethan habang nakasunod sa kanya. Hindi ata mapaniwalaan ang pagpapako niya nang sabay-sabay sa dalawampu’t limang taong nakakalat sa may kalakihang lugar.

She doesn’t want to use her power excessively. But she knew they might run out of time. Kaya naman kailangan niyang makuha ang mga impormasyong kinakailangan bago siya maunahang kumilos ng kalaban.

“Sino kayo? Anong kailangan n’yo?” matapang na tanong ng payat na lalaking kasalukuyang nakabitin at nakadipa. Mapupula ang mga mata nito, tadtad ng hindi naahit na balbas at bigote ang mukha at nangangamoy panis ang hininga.

Ang lalaking ito ang sadya nila - ang dealer. Nakatayo siya sa harap nito habang hawak ang tungkod ng Sinag-araw, “Pangalan.”

Nakita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki at ang paggiti ng pawis nito sa noo. Nanginig ang labi nito habang masamang nakatingin sa kanya. Sinusubukan nitong labanan ang epekto ng Sinag-araw. Napangiti siya ng matipid. Alam niyang hindi ito magtatagumpay.

“Dante Amoro.”

Tumango-tango siya. Hinawakan niya ang kanang kamay nito - nakalahad ang palad nito sa kanya habang dinadama ng hinlalaki niya sa pulsuhan nito. Nakatitig siya sa mata ng lalaki.

“Kilala mo yung mga biktima ng patayan?”

Tumango lang ito.

“Good. Think of them.” aniya bago umusal ng maikling orasyon.

Sa ilang minuto, habang hawak niya ang pulsuhan nito ay makikita at mararanasan niya ang mga alaala ng lalaki. Our mind is a large storage of memories. At gumagana ito na parang isang online website. A thought, a word, a phrase will trigger a memory and like a search-word, all the linked memories from that thought will be accessible. Isa iyon sa mga basic na kakayahang itinuro sa kanya ng Lola niya bilang isang Exorcist. She can peek and experience people’s memories but with the strict rule that it will only be used if it was necessary. Mahigpit ang Lola niya sa paggamit ng mga abilidad - lagi itong nagpapaalala sa mga kaakibat na responsibilidad at batas. Lalo na sa linya ng trabaho niya kung saan kailangan niyang mag-ingat mula sa mga panggugulo at panlalamang ng kalaban. She should not overuse any power unless she wanted that same power to consume her and drive her mad.

“Ang kapal ng mukha mong humingi ng pera! Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kapatid ko! Ang dapat sayo, makulong!” may katabaan ang babaeng nagsasalita. Dinuduro nito ang kausap.

“Hindi ko kasalanang adik ang kapatid mo. Bata ba yan na mauuto ko? Ginusto niya yung droga. Balik nga ng balik e. Ngayon, magbayad kayo kung ayaw mong ipatira ko yang kapatid mo sa ospital. Baliw kayo pareho. Ang lakas ng trip nyo.” si Dante iyon. Basag ang boses nito at parang nananaginip ang paraan ng pagsasalita. Nararamdaman niya ang pagkaasar nito sa babaeng kausap.

“Hayup! Umalis ka sa bahay ko! Layas!”

The Exorcist : Blood Moon (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora