Written Downloaded

1.2K 30 1
                                    

Yeah hi there,Nikka here.A simple teenager living also in a simple life. Kasalukuyan kong dinadownload ngayon ang bagong new found friend kung mobile legend or moba in short. Noong 12 years old ako ng nahilig ako sa pagda-download ng kung ano-anong usong app sa internet mapasocial media man yan o mga laro. Oo, lagi akong updated pagdating sa mga ganyan at of course pagdating sa kanya.

"Haaay.. bat ba kasi ang gwapo mo at ang bait mo pa Diego?Kaya ayaw kong maging si Dora eh kasi ayokong maging magkapatid tayo.hahaha okay shing waley" nabalik naman ako sa mundo ko ng tumunog yung cp ko it means yey!nadownload ko na haha! "KUYA TROYYYYYY!!" pasigaw kong sambit kay kuya nasa kwarto kasi siya while ako eh nasa sala.

Si kuya Troy ang nakakatanda kong kapatid. He is already in his last year in college,by the way his taking up civil engineering. We are on the same school at nasa 2nd year narin ako taking up also civil engineering. Kung magtatanong ka kung idol ko ba kuya ko well my answer is no. Wala lang akong ibang maisip nung pumasok na ako sa kolehiyo. "Bakit bunso?" malambing na tanong niya sa akin. You know what?one thing I like about my brother is napaka expressive niyang tao,I mean hindi talaga siya nahihiya. Maybe that's why ate Liah fell in love with him.

"Nadownload ko na po yung moba maybe we can play later?" Nagnining na mga mata ko coz I'm really eager to learn this one..trending kasi.

"Naku bunso...may date kasi kami ng ate Liah mo today eh. Nakapagpromise na akong sasamahan siya sa mall para doon sa susuotin niya sa Acquaintance Party next week." Medyo guilty ni kuyang sabi sa akin. Ang dali-dali niya talagang basahin.

"Nahhh okay lang noh, pwede naman ako maghanap ng ibang players para makateam ko diba?I saw you last time eh" kampante kong sabi sa kanya.

"Yup bunso pwede naman but mas maganda kung kilala mo na yung kateam mo kasi mas mapapadali niyong sugpuin yong kalaban niyong team..Wait naglalaro ata si Makki ngayon eh,I can ask him to come here para maturuan ka rin niya.Mataas na level nun actually mas mataas pa sa akin" I rolled my eyes at him "No way kuya!yung siraulo mong kaibigan tuturuan ako?Baka magkahomicide dito " I hate him,I really do. Naaalala ko na naman what he did to me last summer and everytime na naaalala ko yun nagbibigay siya ng urge sa akin na sakalin ang walanghiyang lalaking iyon.

"Woah,woah,woah teka nga lang ha! I smell something fishy,bat ba parang galit na galit ka sa kanya?Don't tell me its still about that last summer we had?" Nakakapikong ngiti ang ibinato sa akin ng kapatid ko,actually ngiting asong ulol.

"Yeah of course!and I will never ever forget that" naiinis na naman ako,kuya kasi paulit ulit pa.

"Niks humingi na siya ng tawad okay?remember binigyan ka pa niya ng chocolates and flowers at---"

"Oo talaga binigyan niya ako para maipahiya! Sino bang siraulong magbibigay ng bulaklak sa social hall plus nakaluhod pa?OMG everytime I remember that scene nasusuka ako. And you know the next following days was like hell. Different girls from other departments approached me at di lang basta approached ha,inaway pa ako. Kesyo ang pangit ko raw,ang gwapo raw ni Makki,Bakit ako raw at kung ano-ano pa!, Now kuya you tell me may kapatawaran ba yung ginawa niya sa image ko?!" alam mo bwesit at sira na talaga araw ko,hay nako kuya naman eh.

"Okay fine,no more Makki but maiiwan ka ditong mag-isa sa bahay" nag-aalalang sabi niya.

"Nahh okay lang kuya noh sanay na naman ako eh. Tyaka mas makakapagconcentrate naman ako kung ako lang mag-isa dito. I just said that para makampante siya but the truth is takot akong maiwan dito. I have these crazy imaginations about ghosts. Waaaaaaah parang gusto ko yatang maging third wheel sa date ng kuya ko ah. Well, in fact kailangan ko rin ng damit for that damn acquaintance party eh. I don't like parties but I don't have a choice kasi naman plus point yun eh.

WrittenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum