Written under the rain

284 20 4
                                    

"Kahit umulan pa ngayon, bukas o sa makalawa? Alam kong dadating ang panahon na ito'y titila at muling magpapakita si haring araw."
-Nika-

Karga-karga pa rin ako ni Makki sa kanyang likuran habang tinatahak namin ang landas kung saan niya itinali si Rush kanina. Nakakahiya man ay wala akong magawa dahil sobra talaga akong nanghihina.

Hindi naman makitaan ng bahid ng pagod ang mukha ni Makki dahil nakangiti lang siya the whole time kaya medyo maluwag ang aking dibdib. "Mabigat ba ako?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Nakakailang kasi ang sobrang katahimikan. " Ang gaan mo kaya, para ngang naglalakad lang ako ng normal eh. Teka..kumakain ka pa ba?" Pabiro niyang sabi, sinabayan niya pa ng pagtawa.

"Oo naman noh! Hahaha ano yun? Namuhay ako for 18 years ng hindi kumakain?" Natatawang tanong ko sa kanya. Natawa rin siya sa tanong ko kaya sa huli eh nagtatawanan na kaming dalawa habang naglalakbay pabalik kay Rush.

Napatili ako ng biglang kumulog sa itaas. Napaangat ang aking tingin sa langit. " Naku Maks, mukhang uulan ata, medyo malayo pa naman tayo" nag-aalala kong sabi sa kanya.

" Bakit, takot ka bang mabasa?" Natatawa niyang tanong sa akin. Hindi ako nakaimik dahil ang aking atemsiyon ay nasa langit pa rin.

"Namiss ko to" segway niya at nilingon pa akong konti. Nabigla ako sa pagiging seryoso niya kaya naman naagaw niya ang buong atensiyon ko..bakit parang ang awkward?. " I mean yung masaya lang tayo..yung nabibiro kita, yung tumatawa ka ng malakas hindi yung tulad dati na pag nakikita mo pa lang ako eh nakabusangot ka na" sabay tawa niya " Mabuti nalang pala talaga at sumama ako sa inyo dito sa Baguio Niks" nakangiti niya sabi.

" Ayoko kasi sa mga tanga" huli na para bawiin ang sinabi ko. Natahimik siya. Pati rin ako. Hindi ko naman sinasadya. I was actually saying that to myself ng marealize kung hindi lang pala ako yung nasaktan at umasa. Nagpakatanga rin pala ang isang to.

After ng mga ilang minutong pagtahimik eh nakabawi na rin siya " Oo nga, ang tanga ko" yun lang plain lang pero alam kung masakit para sa kanyang amining tanga siya. And I want to tell him okay lang hindi ka nag-iisa. Shems! What am I thinking? Well, for sure iisipin niya about yun kay Diegs.. but who knows right?.

Sa huli I mange to say " Paminsan-minsan ayos lang maging tanga kasi for sure may matutunan ka...at nakikita ko yun sayo Maks" ngumiti ako kahit hindi niya makita. Ngumiti ako kasi masaya akong okay na kaming dalawa kahit alam kong ayaw ni Kuya. Masaya akong nakikitang masaya siya., " and I'm sorry for telling you" nakapangalumbaba kung sabi. He just smile and say.

"Ano kaba,okay lang. Yan nga yung gusto ko sayo eh..totoo ka lang at alam mo ba? Tama ka na naman ang dami kung natutunan. Isa na rito ay Don't leave other people because somene beg you to do that. Dahil sa huli hindi naman nila yun magiging desisyion kundi sayo. Kahit sabihin mo pang siya kasi ang nagsabi pero dahil nanggaling sayo..its your responsibility." Nakangiti niyang sabi sa akin sabay ng pagtili ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Agad napatakbo si Makki pero dahil nga nakapiggy back ride ako sa kanya hindi siya masyadong makatakbo ng mabilis.

Its already six and the fact that umulan kaya mas lalong dumilim ang paligid. " Ma-maks, may liwanag doon oh" sabay turo ko sa liwanag na nanggagaling sa hindi kalayuan. " I can see that pero kailangan muna nating kunin si Rush..he might die sa lamig!" pasigaw niyang sabi dahil sa lakas ng ulan because he knows that I can't hear him pag nagsalita lang siya ng normal.

Patakbo pa rin siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng kabayong sinakyan namin kanina. Nanginginig na ako dahil sa lamig. For goodness sake nasa bagyo kami. Kaya nga nag-alala ako kanina na baka umulan cause' I know na ganito ang kahahantungan namin.

WrittenWhere stories live. Discover now