Philippines

309 18 4
                                    

Kinakabahan, naguguluhan
Mga paa ay nakaapak sa lupa
Pero heto ako ay lutang
Mahal kita pero alam kong hindi ito tama
Tama na ang isang pagkakamali
Dahil ayaw na kitang mapahamak pa.


Lutang ako ng makita ko na mula sa himpapawid ang malaking NAIA Airport. Ng naglanding ang eroplano at matapos ang mga habilin ng piloto ay nagsilabasan na yung mga tao.

Si kuya ang nasa unahan ko na sobrang naapektuhan pa rin sa nangyari. Sa likuran ko naman ay ang nagpilit na sumama na si Lucas. I told him na hindi na kailangan pero yung loko tinawanan lang ako at sinabing he mastered martial arts when he was seven. Adik talaga.

Nagtaxi kami pauwing bahay. Wala pa ring pinagbago ang Manila. Ang busy na mga tao na naghahabol ng oras, ang traffic sa edsa ay ganon pa rin, may nagbangganggaan na motor at private car sa unahan kaya mas nastuck kami sa traffic.

Napalingon ako sa gilid ng mapansin ang isang land cruiser na pula na tumabi sa taxing sinasakyan namin.

I was looking straight throught its window as if makikita ko yung nasa loob unlike sa taxi na sinasakyan namin ngayon na hindi tinted. I was looking intetly and paulit-ulit na pinipicture out ang mga bagay na impossibleng mangyari. I was about to return my gaze dun sa commotion ng biglang magroll down ang window ng sasakyan and bumungad ang isang mestiza girl na nagtatanong sa traffic enforcer kung anong nangyayari. Pero hindi ang babaeng sobrang puti ang nakaagaw sa attention ko kundi ang katabi nitong tahimik at seryosong tinitingnan ang nangyayari.

Sa unang tingin ay aakalain mong hindi siya. Ang laki ng pinagbago, mula sa seryosong aura niya ngayon na ibang-iba sa aura niya noon. Ang highlights na brown sa kanyang buhok and even sa tatoong cresent moon sa kanyang pala pulsuhan. Gusto kong maiyak pero magmumukha naman akong tanga pag ginawa ko yun.

Kaya imbes na mas gumawa ng commotion ay kinontrol ko nalang ang aking sarili sa mga bagay na pwedeng maging resulta ng maling desisyon.

Ngunit minsan talaga totoo na mas lalo mong gugustuhin ang isang bagay kapag bawal.

Lumingon akong muli para makita ang dalawang pares ng mata na nakatingin rin sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Naramdaman ko ang tagaktag ng pawis sa aking likuran kahit aircon sa loob ng taxi. Dapat bang magpanggap nalang akong hindi ko siya nakita but damn I can't even look away.

Naagaw ng atensiyon ko ang pagtawa ni Lucas na parang nasisiraan ng bait sa gilid ko. "Damn!Nikka tignan mo, this guy was the guy I was talking a month ago. Nakapasok nga ang gago" pagpapakita niya sa cellphone na may litrato ng isang lalaking rumarampa sa runway.

Natawa rin ako ng maalala ang kwento niya. Pero agad rin nakabawi ng maalalang maaring nakatingin pa rin siya sa akin ngayon. I look again sa tabi namin ngunit wala na ni anino ng land cruiser niya. I look sad knowing na siguro inisip niya natakot ako kaya iniwan ko siya. Pero totoong natakot naman talaga ako diba? Natakot akong maulit muli yung nangyari pero kahit pala lumayo ako ganon pa rin ang mangyayari. May madadamay at madadamay pa rin sa gulong hindi namin alam.

Nakarating kami sa bahay around 4 pm dahil sa traffic. Nagbihis lang kami ni Kuya at nagtungo ng QC kung saan ibinurol si Tita.

I saw my cousin Lauren sa pinakaunang hanay ng mga upuan. She was wearing a black dress at black sandals. Still look so classy kahit mugto ang mga mata. Siya ang nag-iisang anak ni Tita Beth after her youngest son died while having his car race in Brunie.

Napalingon si Lauren sa amin and I was expecting for her to say bad words against us. Maybe gonna blame us for what happened pero hindi. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya at niyakap si Kuya ng makarating kami sa kinauupuan niya.

WrittenWhere stories live. Discover now