In Paris With a Broken Heart

250 19 3
                                    

Nakangiti kong pinagmamasdan ang buong Eiffel Tower. Its been 2 years na magmula ng umalis kami ni Kuya sa Pilipinas. At kapag naaalala ko ang tagpong iyon ay hindi ko pa rin mapigilang maluha. I left without even saying goodbye pero alam kong yun ang tamang desisyon.

Well, atleast dito hindi ko na nararamdaman yung takot na maaring itong araw na ito na ang maging huling araw ko at maaaring maging huling araw ng taong malalapit sa akin . Dito ko na sa Paris ipinagpatuloy ang pag-aaral. Nagshift ako ng course kasi mas nagustuhan ko ang art. Pinili ko ang Fine arts at sinuportahan naman ako ni Kuya tungkol doon.

"Wala ka bang balak i-activate yung Fb mo or gumawa man lang ng bago?" Napalingon ako sa lalaking kakarating lang na umupo ngayon sa tabi ko.

"Nah, I think mas magandang maging private ang buhay" ngumiti siya at saka ako tumayo.

"Nakapagenroll ka na ba for this school year?" Sabi niya habang pinapagpagan ang pantalon na napatayo na rin ngayon.

Iniangat ko ang aking tingin at saka siya pinagmasdang mabuti. Matangos na ilong, may piercing sa kaliwang tinga, nangungusap na nga mata at kulay light brown na may highlights na kulay red. Si Makki kaya? Ano na kaya yung mga pinagbago sa itsura niya ngayon?

Napakurap-kurap ako sa aking naisip. At saka muling ibinalik ang tingin sa buong tanawin. " Hindi pa, nagbabalak kasi si kuyang umuwi ng Pinas at saka isa pa..hinihintay kong may isa diyan na magenroll" tapos mapanukso ko siyang tiningnan.

Itinaas niya naman ang kanyang kamay na parang susurrender na sa pulis " No thanks, alam mo naman diba Nikka na okay na ako. Besides I'm earning already, I have my income na. I have a business and sa kasalukuyan ini-enjoy ko ang pagmomodel."

I roll my eyes at him " Edi ikaw ng yayamanin at mukhang artistahin" natatawa kong deluryo sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya at saka tumungo at inilevel ang mukha naming dalawa.

"Artistahin nga, may pera pero ayaw mo naman sa akin" malungkot niyang sabi. Hindi ko alam pero this time it sounds so true. Lagi naman niya akong sinasabihan na kesyo kami na nga lang raw o di kaya magpanggap daw kaming magsyota in a month for fun pero lagi akong humihindi. I mean ayaw ko lang ng gulo and besides alam kong nandito pa rin siya. Hindi siya kailan man mabubura. Eh siya kaya?

I smile at him. "Tss, ayan ka na naman sa mga jokes mo" tumayo siya ng maayos kaya medyo napaangat ang tingin ko sa kanya kasi medyo matangkad siya sa akin.

"Nikka, kahit minsan ba di mo naisip na seryoso ako? Like now" kinabahan ako sa seroyoso niyang tanong at sa seryoso niyang mga matang titig na titig sa akin ngayon.

"Lucas naman" hindi ko mahanap ang tamang sagot sa tanong niya kasi ayaw kong masaktan siya.

Tumingala siya sa langit bago dahan-dahang tumango.

"I'm sorry, naiintindihan ko. Mabuti pa umuwi na tayo." At saka niya ako tinalikuran. Pero bago siya tuluyang makaalis ay nahawakan ko siya sa kanyang palapulsuhan.

"I'm sorry, hindi ko gustong saktan ka and I swear to God kung kaya ko lang..kung kaya ko lang baguhin ang nararamdaman ko just to--" hindi ko mapigilang umiyak sa realisasyong nasasaktan ko ngayon ang pinakaunang taong tumanggap sa akin dito sa Paris.

Agad siyang lumingon kasabay ang biglang pag-aalala na naplastar sa kanyang mukha. "Sh*t, shh.. I'm sorry for making you feel sorry about it. But seriously Nikka its okay not to feel the same way as what I feel." Sinasabi niya ito habang yakap-yakap na ako ngayon.

Pero bakit..bakit kahit ganito na kami kalapit ay wala pa rin akong maramdaman? Kahit anong bait niya ni hindi ko magawang mahulog.

"Tara na at gumagabi na, okay?" Pagtatahan niya pa ring sabi sa akin. Alam kong hindi ko deserve ang tulad niya pero nagpapasalamat akong dumating siya sa buhay ko kasi kung hindi dahil sa kanya matagal na akong patay ngayon.

WrittenWhere stories live. Discover now