Matchy Matchy part Two

272 19 6
                                    

"Kahit umulan man kahapon dapat mong tandaan pwede itong tumigil ngayon."

-Nikka-

Sabay kaming naglakad ni Makki palabas ng hotel. Nauuna naman si Aimee habang kausap si Nathan ata sa cellphone. Paminsan-minsan kasi nangingisay siya na parang sobrang kilig na kilig..edi siya na.

I like the weather today kasi hindi mainit, hindi rin umuulan..yung sakto lang. Nakakailang nga lang kasi bawat nadadaanan naming tao eh tinitignan kami ni Makki. I dunno maybe dahil magkapareho kami ng porma or simply kasi kasabay ko si Makki.

Well agaw pansin naman kasi talaga siya.. he is deffinitely handsome, hindi perpekto pero gwapo. From he's nice cut hair, to his light brown eyes tapos yung katamtamang tangos lang ng ilong tapos pinkish na kulay ng labi...ay grabeeh.  His height? Well hanggang sa may balikat lang niya ako. His I think 5'7 or 5'8, hindi ko sure pero mas matangkad siya kaysa kay Kuya. Yung mukha niyang hugis oval bumagay talaga sa kanya,well actually same kami..ngayon alam ko na kung bakit maraming baliw na blaiw rin sa kanya sa school.

Nakangiti lang siya the whole time..hindi ko alam kung dahil ba ito sa atensyong nakukuha niya or dahil masaya lang talaga siya. Pero sa tingin ko ngayon? Yung pangalawang option ang nararamdaman niya.

Nakarating na rin kami sa Horsey Land. Natawa ako kaya napalingon siya sa akin. "Whats funny, niks?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. "Ayon oh!" Sabay turo ko sa pangalan nitong farm.Eh sa nakakatawa naman talaga eh. Pero siya..nakakunot lang ang noo. Mas lalo tuloy akong natawa.

" Can you stop laughing? Nagmumukha akong tanga na kasama mo." Nayayamot niyang sabi.

" so? Edi dun ka sho!" Pagtataboy ko sa kanya. Like the heck...who told him to stay beside me.

" I like where I am now. I feel contented" Seryoso niyang sabi na sinasabayan na rin ako papasok ng farm. Dug..dug..dug..dug hesrt tumigil ka!

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano namang gusto niya sa kung saan siya ngayon? Mauna man siya eh pareho pa rin yung kinaroroonan niyaa which is farm. Pero lintek na puso ko syaw pa rin tumigil. Anglakas pa rin ng pintig nito.

" hindi mo ba napapansing ayokong kasama ka?" Mahinahon kung sabi. Bagamat mahina ay narinig niya pa rin.

" I did not ask you to ask me stay Niks.. pero wala ka ring karapatang paalisin ako." Firektang sabi niyang direkta ring nakatingin sa aking mga mata. I felt something.. I saw something behind his eyes..pero ayokong umasa. Kasi nga move-on, move- on rinsa pagiging tanga.

Tumigil ako ng tumigil rin si Aimee. Sa ngayon eh nasa unahan na namin sila Kuya, Ate Liah at Diego. Ngayon ko lang ata nakita siya ulit after namin lisanin yung sasakyan at nagkanya-kanya ng pumasok sa hotel. Akala ko nga umuwi na siya.

Naagaw ng malakas na tinig ni Kuya ang atensiyon naming lahat. "Ba-bakit kayo pareho ng damit?!" Naguguluhan niyang tanong. Parang tanong niya sa kanyang sarili iyon pero navoice out niya bigla.

" Don't tell me ngayon lang itong nangyari na sa isang lugar may makakapareho ka ng style or worst Kuya yung damit talaga. As in kopyang-kopya." My tone is the same..para wala siyang makitang kakaiba.

Pero of course knowing him may masasabi at masasabi talaga siya.

"Kahit na..para kayong, ah basta. I don't like it man." Sabi niya na ang atensiyon ngayon ay nakay Makki na.

" Kuya, you don't have to say that because.. I don't like it too." Tumango lang siya ng nakitang seryoso ako.

" Edi kayo ng magkapareho ng iniisip." Sabi naman ni Makki sabay naglakad sa unahan namin. Nakatunganga lang ako while si Kuya ay bumalik na sa tabi ni Ate Liah.

WrittenWhere stories live. Discover now