Infatuation

287 22 2
                                    

Author's Note:  Hi there! This will be short i hope. So, I just wanna say na we all have struggles in life. Mapalove man yan, family problem, work related problem, school related problem and even financial problem.. I just hope that we won't give up okay? Sabay-sabay natin abutin ang ating mga pangarap. Wag tayo sa crab mentality dito na lang tayo sa dolphin at tulungan nating iligtas ang iba. So yeah thats it masyadong mahaba na eh. Wag mawalan ng pag-asa. Keep fighting guys.

Soundtrack: Chasing Cars by Snow Patrol

Ps. Comment down below your opinion para naman may idea ako. Thanks and yeah kindly vote nadin. Thank you muah! Binasa mo yung author's note ko? Hindi? Huhuhu I'm gonna cry na. Pls. read it😘

INFATUATION

Natatakot akong mahulog pero mas natatakot akong masaktan ngunit hindi ko rin siya magawang bitawan

                                                  -Nika-

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapagbihis ng ganito kabilis. It feels like parang pinagswap ko lang yung basang uniform ko kanina sa suot ko na ngayon. Bago lumabas ng kwarto ay chineck ko muna ang sarili ko sa salamin.

Ng makitang everythings fine doon ako nagdesisyong lumabas ng kwarto. Mabilis pa sa kidlat( naks naman) ang pagbaba ko ng hagdan, paglabas ng bahay at pagpadlock ng pintuan.

Then humarap ako at naglakad ng mahinhin, baka akalain niya pa I'm so eager to see him.

Nakangiti akong sumampa sa nakaparadang land cruiser habang naabutan ang nakayuko sa manibela kung driver.
Is he sleeping? "Makki?" I wake him up using my index finger at dinuro siya sa may bandang balikat.

Nag-angat siya ng tingin at saka kinusot ang mata at nag-inat ng konti. Ganun ba siya kaantok at ang bilis niyang nakatulog?

" Okay ka na ba?" Tumango lang ako bilang sagot at pagkatapos ay tiningnan ang oras. " Naku pag di pa tayo umandar ngayon late tayo pareho sa klase" nakangiti kong baling sa kanya.

" Yeah, sorry I'm just really sleepy" kinusot niya ulit ang kanyang mata pagkatapos ay nagmaneho na.

" If only marunong lang akong magdrive, di sana I'm managing the wheel now. Kaso...natatakot ako" simula ng mawala sila mama at papa nagkaphobia na ako sa sasakyan. Well, not literally sa sasakyan siguro yung sa pagdradrive lang naman.

When I turned 18 nagask ako kay Kuya na kung pwede ba akong turuan magdrive since Aimee already knows how to drive at that time. So, ayun gusto namin bestfriend goals kami kaya kung alam ng isa and kaya naman pag-aralan edi dapat pag-aralan ng isa.

I know it sounds OA but thats just us. We want it kasi nga were like sisters na. Nashock nga ako ng sumang-ayon si Kuya. Pag natuto daw ako bibili ulit siya ng isa pang car para naman hindi na ako laging nag-aantay sa kanya or kay Aimee para makisabay pauwi.

But sadly it turned out I just can't do it. Hindi sa malamang dahilan pero nung hawakan ko na yung manobela many thoughts coming into my minds.

Masakit isiping everytime I touched it, it feels like nandoon ako nung time na naaksidente sila Mama and Papa. And it hurts like hell. Hindi ko namalayang may lumandas na palang luha sa aking mata. Agad akong tumagilid at tumingin sa bintana.

Nakakita ako ng Mag-inang magkahawak kamay na naglalakad sa kalsada. I've never had the chance to do it. I've never had the chance na hawakan ang kamay ni Mama and Papa in their last moment here on earth.

Pag napatunayan kong hindi aksidente ang lahat? I'll make sure that whoever that person is na may kakagawan ng pagkamatay nila ay magsasuffer kahit ano pa ang mangyari.

WrittenWhere stories live. Discover now