Matchy, Matchy - Part 1

320 19 0
                                    

Tama nga ang sinabi nila na kapag too much emotions ang nararamdaman mo ay di ka dapat nagdedesisyon dahil sa huli ikaw lang din yung magsisisi.

Tulad ng sobra kang masaya, malungkot, natatakot, nagagalit o kahit naiinis ay dapat isipin mo pa ring mabuti kung ang desisyong iyong gagawin...eh makakabuti ba o makakasama sa iyo.

Napaisip ulit ako... ano ba yung padalus-dalos na desisyon ko kanina? It feels like it doesn't suit my age at all. Ang mga bet ay sobrang pambata, and me? I'm turning 18 sa loob na lamang ng tatlong buwan which is December.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng napili kong kwarto dito sa hotel kung saan kami nakacheck-in. Nag-iisa lang ako dito while magkakasama sila Kuya, Diego at Makki sa iisang kwarto tapos si ate Liah naman at si Aimee yung magkasama. Nasanay na akong mag-isa simula noong nawala sila mama. At pag wala kami sa bahay alam na alam ni Kuya Troy and even Aimee na hindi ako nakikipagshare ng kwarto...hindi kasi ako nakakatulog. I dunno kung bakit ganon.

Nakatulala lang ako sa ceiling..tinitignan ang mga iba't-ibang desinyong nakaukit dito.

Isang malaking bulaklak na may mga alibatang nakasulat. I can't read it kaya ibinaling ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Napadako ang tingin ko sa glass door na nasa harapan ng kama ko. May mahabang kurtina peach yung kulay ito na nakatali na sa gilid.

Nagdesisyon akong lumabas at sobrang namangha sa hatid na ganda at sariwa ng kapaligirang aking nakikita. I embrace my self as the wind blows sending shivers on my skin. Tinanggal ko na kasi kanina ang nakapatong na gray blazer sa aking white top.

I'm so amaze talaga. Its not my first time in baguio pero eto yung first time na dito sa hotel na ito kami nag check-in. Ng nabusog na ang mata ko ay naisipan kung maligo muna para marelax naman ako at makapagpahinga.

I open the cabinet door at nakita ang isang bathrobe. Kinuha ko ito at hinawakan ang bordang pinong nakatahi sa may bandang dibdib ng tela. 'Luna Castel' at sa baba may enclosure na ( In love there is Peace).

Naalala ko na Luna Castel pala ang pangalan ng hotel na ito. Sinunod sa pangalan ng unang babaeng minahal ng panganay na anak ng may-ari nitong buong hotel. Yun yung sabi ni ate Liah ng papasok na kami sa hotel.

Ang sweet naman nun. Yung ipangalan sa iyo ang isang gusali at mas lalo pang naging sweet ito dahil ang mismong magulang ng lalaking minahal mo ang nagpagawa nito.

Natigil ang aking pag-iisip ng may biglang kumatok sa pinto ng aking silid. " Sino yan?" Wala akong nakuhang sagot galing sa labas kaya mas pinili ko ang manatiling nakatayo sa harap ng cabinet.

Oh my gosh!I'm scared. Naku talagang di ko yan bubuksan pag walang sumagot sa kabila. Kung sino man siyang nangtri-trip, na hala pagtripan niya ang sahig at dingding nitong hotel.

"Open the door" may authority ang boses na nanggaling sa labas. Kuya? I think hindi siya.

"Com'on Niks, si Makki eto" agad-agad kung binuksan ang pintuan ng nalaman kung siya ang nasa labas. Wait, correction lang ha hindi ako nagmadali because I am excited na makita siya but its because gusto ko na talagang maligo promise.

Nawala ang pagkabagot sa aking mukha instead napanganga ako sa aking nasilayan. Isang boquet of roses na iba-iba amg kulay ang nakaharang ngayon sa kanyang mukha at ng di nagtagal ay sumilip siya dito. Iniba ko naman ang expression ng aking mukha ng nasilayan na ang kanyang kagwa- este kapangitan.

" Ano to?" Sa wakas nahanap ko rin ang boses ko na kanina ko pa kinakapa.

" You silly girl, you didn't know what is this? Its a boquet of flowers" pagkatapos ay ngumiti ng pagkalaki-laki.

WrittenWhere stories live. Discover now