The Guy in a Black Suit

278 19 3
                                    

Napaupo ako sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Hindi ko akalaing magiging ganito kasakit ang pagligtas ko sa kanya. How could someone's safety become this tragic for me. Naramdaman ko ang isang palad sa aking likuran na bahagya akong pinapakalma.

"Best?malapit na magstart yung klase." Isang mahina at puno ng simpatyang sabi ni Aimee. Kailan pa siya nandito?nakita at narinig niya kaya ang nangyari kanina?

Pinunasan ko ang mga luhang kusang nahuhulog galing sa aking mga mata. Ng masigurafong wala ng nakalandas ay nakangiti ko siyang nilingon." Ahmm.okay tara na." Tumayo ako na parang walang nangyari. Nabigla ako ng hawakan ni Aimee ang braso ko "Wag ka mag-alala hindi ako magtatanong kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi dahil sa wala akong pakialam kundi dahil sa alam kong ayaw mong sabihin muna ito sa akin. Pero besty sana dumating ang araw na maluwag mong sasabihin sa akin ang lahat ng nangyayari ng sa gayon eh alam ko ang dapat kong gawin." Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Thank you for always being there for me. Sa sobrang dami kong iniisip muntik ko ng makalimutan na meron pa pala akong isang kapatid aside kay Kuya at ikaw yun Aimee. I'm sorry for not letting you know whats happening but one things for sure I'll keep you here (sabay turo ko sa may bandang puso ko) forever."

Nakita ko naman siyang ngumiti at saka ako niyakap. "Sige na nga di na ako magtatampo kahit di mo pinansin yung pagtawag ko sa canteen kanina. Tapos maaabutan na lang kita dito na nakaupo haaay.. Mag-aantay ako hanggang okay ng magshare ka sa akin. " naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim.

"Thank you best, oh siya itigil na natin ang drama at baka malate pa tayo." Nagngitian kami ni Aimee at saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang classroom.

Tulad ng inaasahan ay nandoon na si Ms. Gracia but she just look at us at saka sinenyasang pumasok. Agad naman kaming humingi ng sorry at pumasok na.

Papunta sa aking upuan ay nakita ko si Makki na napatingin sa akin ngunit di tulad dati na kukulitin niya ako or aasarin..this time its totally different. Tumingin lang siya pagkatapos ibinalik rin ang atensiyon kay Dave, isa sa mga barkada at sabay silang nagtawanan.

Siguro nga ay totoo talaga ang sinabi niya kanina. Hindi ako kawalan as a friend, hindi ako kawalan dati and I'm sure mas hindi ako kawalan ngayon.

Imbis na atupagin ang sakit na nararamdaman ay itinuon ko na lamang ang paningin ko sa instructor naming nagbibigay ng huling project for this March.

Natapos rin ang huling habilin ni Ms. Gracia at ngayon ay nakaupo na lamang ako sa pwesto ko habang tinitingnan si Aimee na kausap na naman si Nathan sa phone.

She was laughing , siguro ay may nakakatawang kwento na naman yung boyfriend niya kakaalis lang papuntang japan for a family/ business matter. Naks!secure na yung future ni besty.

Napangiti ako sa kalokohan kong naiisip ng biglang "Waaaaah!sorry Nika" agad akong napatayo mg tumilapon sa uniform ko yung hawak na juice ni Thea.

Shocks!ang lamig. Para akong basang sisiw sa nangyari. Agad naman siyang kumuha ng tissue at ipinahid sa uniform ko ngunit wala lang rin itong magagawa dahil basa pa sa basa yung uniform ko. (Hindi ko lang alam kung ano yung mas basa pa sa basa)

Buti na lang at medyo makapal tong tela at kulay pula tong uniform namin kundi babakat talaga yung bra ko.

"O-okay lang Thea, di mo naman sinasadya" I was holding her hand to stop what shes currently doing now kasi naaawa rin ako sa kanya.

This time ay nakalapit na si Aimee sa amin. "Anong nangyari?" Nagtataka niyang tanong ng namalayan na basang-basa ang upper uniform ko.

"Natapisod kasi ako kaya tumapon sa kanya" pagpapaliwanag ni Thea

WrittenWhere stories live. Discover now