Our Written Past

310 24 1
                                    

"Dear written,

Naguguluhan at naghuhurumintado ang puso ko, hindi ko man siya makita ay sumasagi pa rin siya sa isipan ko."

Inenter ko na iyon at saka pahigang nakatulala lang sa kisame. Dito ako nakatingin pero iba ang nakikita ko. This is really crazy.. Naiisip ko na naman yung kanina.

Hindi yung sinabi ni Makki kundi yung mismong naramdaman ko kanina. Alam mo yung parang dinig na dinig mo na yung kabog ng dibdib mo sa sobrang lakas? Ganun yun eh.

I mean,hindi naman pwedeng in love ako sa kanya eh di ba nga broken hearted ako kay Diego?Waaaaaaah!!!ang gulo-gulo talaga. Ayoko na sa earth.

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cp ko. Written notification? First time to ah.

Inopen ko agad ang app at pumunta sa may notification. "@mr.iamheartthrobguy follow me?Ang kapal huh,heartthrob daw...baka naman mukha tong mongo na napuno ng balahibo? (Side thought,bakit monggo?)."

Clinick ko yung view writer tapos click dun sa my pictures niya. Nakatalikod na lalaki yung profile niya pala tapos yung photos niya eh apat. Clinick ko yung first photo tapos...tsadan!likod lang nakita ko. Clinick ko ulit yung second photo tapos buhok naman. Third photo,nakatagilid and last photo....t-shirt na may nakasulat, #Ang Gwapo Ko.

"Pwee!!seryoso ba to? Nang-add siya eh di ko naman siya kilala plus..wala akong paki."Bumalik na ako sa pagkakahiga at tumunog ulit ang phone ko.

"Message from written app?,sino naman kaya to?" From: @mr.iamheartthrob (psst..)

Adik ba to or what?sinong magmemessage ng psst,as if kilala siya nung minimessage niya. Wait may pangblock ba dito?

Pumunta ako sa setting ng nagpop na naman yung name niya at may new message siya.

Binuksan ko eto at nakajaw drop na ko ng matapos basahin ang message niya sa akin.

"Paano?paanong may account rin si Makki dito?"

Pinatay ko na yung phone ko at humiga sa kama. Nakakapangilabot at pawis na pawis ako kahit may aircon naman dito sa kwarto ko. Oh my gosh!! Paano nato? What to do?!!

Inisip ko ulit yung chat niya sa akin " Diba I told you earlier na kapag nakita ko na nilapitan mo ulit siya, baka masapak ko lang siya. Ngayon ano tong nakita kong post mo na naman ha niks? Ano ba ang meron sa Diegong yun at in love na in love ka.Btw si Makki eto, wag ka na magreply may exam pa tayo sa calculus bukas"

So,paano na to? Paano ko haharapin ang pinaka-ayaw kong tao sa mundo na may alam ng pinakakatago kong secreto sa ngayon?. Pwede na ba magmigrate sa Mars, baka pwede na akong lumipat bukas.

Sa sobrang kong pag-iisip, 2:11 am na akong nakatulog kagabi kaya naman mukha akong zombie na pumasok sa school.

Napatungo agad ako sa armchair ko ng pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko. Waaaaaah!!babagsak na talaga ako nito sa calculus.

Kinalabit naman ako ni Aimee kaya habang nakapatong ang ulo ko sa armchair eh nilingon ko siya.

"Mukhang mapeperfect mo yung calculus ngayon ah?puyat na puyat ka ka,-aaral eh." Nakangiti niyang sabi. Haaay I wish😢

Nginitian ko lang din siya kasi di ko naman pwede sabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit ako puyat. Nilingon ko ang kakapasok pa lang na lalaking may itim na leather backpack.

Eto na ang disaster 😭 Tumungo ulit ako at magpapanggap sanang tulog hanggang dumating ang prof.

Pero papikit pa lang sana ako eh kinalabit na niya ako galing sa likod. Oh!people uso ba ang mangalabit ng taong pagod ngayon?

WrittenWhere stories live. Discover now